Ilang araw ng naghi-hintay si Mariella para siya'y dalawin ng kanyang anak. Batid niya na ang nararamdaman nito para sa anak ni Antony at lalo na ang nararamdaman padin ni Antony sa kanya. Narinig niya lahat-lahat sa gabing iyon kaya naman hindi siya mapakali. Hinahanap pa rin sya ni Antony at alam niyang hinahanap pa rin ito ng puso niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib na sumisikip. Hindi, hindi sila pwedeng mag-kita pa muli kundi siguradong gagawin ni Antony lahat madugtungan lang ang kanilang kwento. Ang pag-hihiganti niya'y mapupunta sa wala kung lalambot ang kanyang puso. "Hey mom!" Napatingin agad si Mariella kay Kirby na nasa gilid. Hindi ito naka-tingin sa kanya, busy ito sa pag assemble ng magnet beads na gagawin nitong London bridge style. "Why don't we just buy shares and

