Isang linggo na din ang nag-daan simula noong binisita ni Isabella si Granny. Hindi maalis-alis sa utak ni Clifford ang sinabi sa kanya ni Isabella. Gawing sa kanila ang kwento? Paano iyon? "Masakit utak mo kaya nandito ka na naman?" Napa-angat si Clifford ng kanyang ulo at nakita si Lukas. This guy was with Isabella the whole time at court. "Yeah," matipid niyang sagot. "Catch!" Nagulat siya nang hagisan siya ng orange juice ni Lukas. Buti at nasalo niya din. "I don't need—" "Mainit dito sa rooftop ng school, Clifford. Kahit pa sabihin mong naka-shade tayo, mainit pa din," ani ni Lukas atsaka umupo sa gilid niya. "How are you with her?" "Bad. I messed up things and I don't know how to fix it yet," sagot niya. Tinawanan naman siya ni Lukas. "The mighty Clifford is finally defe

