"Isabella!" Tawag ni Clifford kaya naman ibinaba niya agad ang kutsilyo. Nang lumingon si Tere at nanlaki ang mata nitong makita si Isabella. "Magandang gabi ate Tere," naka-ngiting bati ni Isabella sa nagulat na si Tere. Pagka-kita nito sa kutsilyong dala ni Isabella ay humigpit ang kanyang paghinga. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin sa dalaga. "Napasok ko na ang mga bagahe. I'll help you and ate Tere if you want," offer ni Clifford na ikinagalit ni Isabella sa loob. "Hindi na, Clifford. Diba busy ka sa papeles? Diba bibili pa ang kompanya ninyo ng lupa? Pag-aralan mo muna," huminto siya at tumingin kay Tere na may mala-demonyong ngiti. "Total okay naman kami ni Ate Tere." Nakuha naman agad ni Tere ang ibig ipahiwatig ni Isabella kaya hindi ito mapakali at kahit saan lang an

