pagdating sa meeting room, agad niyang nakita si Xavier, nagtataka namang lumapit si Sierra, at umupo sa tabi ni Xavier, siryoso naman ang commander na nakatuon sa kanila, 'didiretsohin ko na kayo." panimula nito habang nakayuko, na wari nabibigatan, 'magkakaroon tayo ng operation, at ang grupo ninyo ang napili ko para dito, ngunit hindi ito magiging madali, maaring malagay sa alanganin ang grupo ng bawat isa kapag nagkamali kayo, masyadong sensitibo ang lahat." siryosong saad ng commander, kapwa hindi naman nakaimik sina Sierra at Xavier, 'ngunit sa grupo niyo lang maiaasa ang operation na ito, kaya nakikiusap ako sa inyo." saad ng commander, saka ibinigay ang folder sa kanila, nakalagay duon ang mission na dapat nilang gawin, siryoso naman itong binasa ni Sierra,
'may malaking drug deal na magaganap, at ayon sa ating source malalaking tao ang darating." paliwanag ni Xander, 'teka sir, kelan pa tayo nagkaroon ng kinalaman sa mga drug deal." biglang saad ni Xavier, hindi na rin nag taka si Sierra sa tanong ni Xavier, hindi kasi sinasakop ng special force ang ganitong mga operations, nakita naman ni Sierra ang pagngisi ni si Xander, 'hindi dahil sa drugs, kundi dahil sa isang military technology na sa isang microchip, kung saan maraming mga foreign people ang mag bibid, kailangan makuha natin ito." dirediretsong saad ni Xander, napakunot naman ng noo si Sierra, na wari nagtatanong ng mas malinaw na impormasyon, 'ayon sa source mahalaga ang microchip, kapag napunta ito sa maling kamay maaring marami ang mapahamak, that is why, kayo ang inaatasan ko." pinal na saad ni Xander, hindi na nakapag salita pa si Sierra, bumaling naman si Xander kay Sierra, 'Captain Sierra, ang grupo niyo ang unang gagawa ng hakbang, iambush niyo ang magaganap na malaking drug deal, palalabasin natin na simpleng buy bust lang ang magaganap, habang ang grupo nila Captain Xavier ay sikretong papasok sa loob, captain Sierra, pilitin mong gumawa ng paraan na mabigyan ng oras ang grupo ni Captain Xavier hanggang makapasok sila sa lugar kung nasaan nakatago ang microchip." maawtoridad na saad ni Xander, wala namang imik si Sierra, bagamat mabigat ang loob niya sa binigay na posisyon sa grupo niya, lumalabas na pain sila para makapasok ang grupo nila Xavier, 'copy Sir." sabay na tugon ni Sierra at Xavier.
pagkatapos ng meeting, agad na tinipon ni Sierra ang grupo niya, at naghanda sa operation nila.
Ryan's POV
'nakakainip." mahinang usal ko habang nakatuon sa isang baso ng wine, napilitan lang naman kasi akong mag pa iwan sa kampo para saluhin ang ibang trabaho ni Yuan, kailangan kasi nitong bumalik sa Empire hotel para tapusin ang iba pang trabaho nito, napa 'hayy." pa ako bago tumayo sa couch, usually kasi kapag ganitong oras nasa bar ako having a good time with hot girls, naisipan ko na lamang magpahangin kaya agad akong lumabas, habang naglalakad papaalis sa dorm, napansin ko ang grupo nila Sierra, kaya bahagya akpng napahinto, sakto naman ng paglabas ni Cloud, 'hey, pagagaw ko ng pansin dito, sabay akbay, 'bakit sir, may kailangan ka." takang tanong nito, ngumisi naman ako, saka itinuro sina Sierra, 'anong meron?." agad na tanong ko, napa ahhh naman si ito, 'may operation sila, kasama ang grupo nila Xavier." saad nito, ngunit hindi nakaligtas ang lihim nitong pag ngisi sa paningin ko, 'bakit may nakakatawa ba?." diretsong tanong ko dito, tumuon naman si Cloud sa akin, 'alam kasi ng lahat na magiging pain sila." saad nito, natigilan naman ako, saka napakamot sa batok, 'yari, magagalit si Yuan sa akin kapag pinabayaan ko si Sierra, pero hindi kami pwedeng makiaalam sa mga operasyon nila." nag mamadali akong pumunta kay Xander, at naabutan ko itong naglalakad sa hallway, 'pwede ko bang malaman kung anong operation ninyo ngayon." diretsong saad ko, tumuon naman ito ng diretso sa akin, 'pasensya na pero confidential assignment ito kaya hindi pwede." pinal na saad nito, saka nagdirediretso ng lakad, hindi ko naman ito mapigilan, dahil may kasunduan ang bawat grupo na hindi manghihimasok sa mga operasyong wala naman kaming kinalaman, at kikilos lamang kami, kung si Laurence ang mag bibigay ng permiso, wala na akong nagawa, agad kong dinial ang phone number ni Yuan,
Yuan's POV
I'm so devastated kaya mas pinili ko muna lumayo kay Sierra, bumalik muna ako dito sa office ko para gawin ang ilang mga important paper works, hindi ko talaga maintindihan si Sierra, maayos naman sa amin ang lahat, that's what I've thought, pero bigla na lang siyang nag salita ng masasakit na bagay sa akin, and of all people, sa kanya pa nanggaling, hindi ko maunawaan kung ano ba nagawa ko para magalit siya ng ganoon sa akin, siguro we need time to calm ourselves, kaya mas pinili ko muna lumayo, but it's been 2 hours since I started my work, and I already missed her, parang gusto ko na lumipad pabalik sa kampo, 'aaahhh, this is totally insane." usal ko, ni hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko dahil mukha ni Sierra ang pumapasok sa isip ko, and this feeling is driving me crazy, unti unti naman bumalik sa alaala ko noong panahon na umalis ako papuntang U.S., plano ko talaga siyang dalhin but Things happen, at umalis akong nagiisa, sa mga panahon na iyon walang oras na hindi ko naisip si Sierra, 'bakit ba ang hirap para sa kanyang paniwalaan na mahal ko siya, at wala akong ibang nais kundi makasama siya." mahinang usal ko sa sarili, wari ba nasasakal ako, kaya niluwagan ko ang necktie ko at nailagay sa sentido ang aking mga kamay, 'hindi ko na alam ang dapat kong gawin Sierra." mahinang saad ko sa hangin, na wari ba'y naririnig niya ako, isang ring sa phone ko ang nagpabalik sa akin sa malalim na pagiisip, si Ryan ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot, 'bro!."usal nito, sa tono pa lamang niya alam ko ng may problema, 'bakit." saad ko, 'sasabak si Sierra sa operation, at hindi maganda ang kutob ko dito." saad niya, naikuyom ko ang aking kamay, at hindi ko na pinatapos pa si Ryan, binaba ko na ang call at patakbong tinungo ang elevator, pagbaba ko sakto ang pagdating ni Kenzo sakay ng bigbike niya, patakbo ko siyang nilapitan at walang pasabing inagaw ko ang helmet niya, kita naman ang pagkabigla nito, ngunit nanatili lamang itong nakatingin sa akin, ni hindi na rin ito nagtanong, marahil kitang kita niya ang pagmamadali ko, 'bro, peram muna." saad ko bago pinaharurot ito pabalik sa kampo, 'hindi ako papayag na mapahamak si Sierra, kahit kelan hindi ko naisip na papasukin ni Sierra ang pagiging isang agent." bulong ng isip ko, halos paliparin ko na ang bigbike na dala ko marating lang ang kampo, nang makarating ako agad akong sinalubong ni Ryan,
'nasaan na sila." agad na tanong ko, 'nakaalis na sila, pero na trace ko sila, gamit ang system na ginawa mo." saad ni Ryan, kaya mabilis namin silang sinundan, at narating nga namin ang kinaroroonan ni Xander, agad kong nilapitan ang truck na kinalalagyan nila, alam kong nakikita nila ako, papalapit pa lamang kami ay pinagbuksan na kaagad nila kami, 'anong ginagawa niyo rito." maawtoridad na tanong ni Xander, ngunit kung iniisip niya na masisindak ako sa kanya, pasensya na, dahil bukod kay Laurence, hindi ako magpapasindak sa kahit na sino, walang emosyon ko siyang tinitigan sa mata, 'anong operasyon ninyo." diretsong tanong ko, sumiryoso naman ito at nakipag tagisan ng tingin sa akin, 'wala kang karapatan para makialam sa operasyon ng grupo namin." mahinahon ngunit maawtoridad na saad ni Xander, napangisi naman ako, but this time tinitigan ko na siya ng masama, 'mabait akong kakampi, pero masama akong kalaban Xander." malamig kong saad, 'pinagbabantaan mo ba ako." ani Xander, mas lumapit naman ako dito, 'nasasayo yan kung pagbabanta para sayo ang sinabi ko." confident kong saad, habang kitang kita ko na ang bahagyang kaba sa tensyon niya, 'pero, kapag may nangyari Kay Sierra." saad ko habang diretsong nakatuon sa kanya, 'papatayin kita." diretsong saad ko, 'sir, may problema, biglang nagkaroon ng pagsabog sa lugar kung nasaan ang team ni Captain Sierra." sigaw ng isa sa mga officer, nag mamadali akong tinignan ang mga monitor, halos wala ng makita dahil sa pagsabog, halos habol ko ang hininga dahil sa kaba, 'hindi." usal ko, at mabilis kong hinarap si Xander, papaalis na ako papunta sa lokasyon ni Sierra ng pigilan ako ni Xander, 'may kasunduan kami ni Laurence." saad niya, 'pwede ba, sarili kong disisyon ito." halos pasigaw na saad ko sa kanya, 'kung ganon magkasundo tayo." saad ni Xander, hindi naman ako umimik at nakatuon lamang sa kanya, 'ikaw ang tumapos ng mission na ito, sa sarili mong paraan at papahintulutan kita." saad ni Xander, 'sige payag ako pero may hihingiin akong kapalit." saad ko, natigilan naman si Xander, alam kong nagdadalawang isip siya, pero dahil sa pagkakataong ito alam kong kailangan niya ako, at sigurado akong papayag siya, 'sir, nagkakaproblema na sa team ni Cap, Xavier." sigaw ng isa sa mga nagbabantay sa monitor, napipilitan naman tumango si Xander, 'okay, payag na ako ibibigay ko kahit ano pa yan, basta, tapusin mo ang operation." saad ni Xander, isang tango naman ang binigay ko saka umalis kasama si Ryan,