Ihahatid sana ako ni Jaime ngayon, pero sinabi kong may pupuntahan akong importante. Hindi naman na siya nagtanong pa. We value our privacy kaya nagkakaintindihan kami lagi. And we trust each other so much. "Mag iingat ka sa pupuntahan mo, Baby. Call me when you got home safely, okay?" Bilin nito na ikinangiti ko at humalik sa kanyang labi. Inihatid niya ako sa taxi na tinawag nito para daw sakyan ko. Sinabi ko ngang magdyip lang ako pero hindi ito pumayag. Delikado daw kapag magdyip lang ako. Kaya no choice talaga ako. Ayoko namang mag alala sa akin ang baby ko. "Opo, Baby. Ikaw din mag iingat ka. Umuwi ka na at magpahinga. You've been very busy kaya kailangan mong magpahinga. Don't be too stubborn and hardheaded dahil makakatikim ka talaga sa akin. I want you home now at wala ng li

