Busy na ako sa ginagawa ko. Tinuruan at inorient naman ako ni Sabel. Madali lang namang sundan ang mga tinuturo niya since nakikita ko naman at nababasa ko ang mga ini-uuwi ni Mira na mga papeles niya galing trabaho. Medyo familiar na ako at binilinan niya din ako ng sangkatutak kagabi kaya napuyat talaga ako. Idagdag mo pa ang excitement na nadarama ko. Mas matanda lang ako kay Sabel ng dalawang taon. We get along easily dahil mabait ito at palakuwento. Nasa huling pahina na ako ng isang folder ng bigla akong tinawag ni Sabel. "Ate Arabella!" Medyo may kalakasang tawag nito sa akin na ikinalingon ko. "Bakit?" Tanong ko pabalik ng nagtataka. "Baka nakakalimutan mong iremind si Boss sa eleven o'clock meeting niya?" Paalala nito na ikinangiwi ko. Muntik ko na ngang makalimutan kung hin

