Tila ako isang bata na may nagawang kasalanan. Nakakagat ako sa aking labi at hindi makatingin dito. Bakit ba naman kasi may patampo at galit galit pa akong nalalaman tapos wala pala ako sa lugar. Tapos may pasilip pa akong nalalaman---huling huli sa akto naman. He sit beside me. "Galit ka pa din ba?" Malambing na tanong nito at inayos ang aking buhok. He tied it up. Ganyan siya lagi sa akin. Lalo na kapag tinatabingan ng buhok ko ang aking mukha. "Hindi mo kasi ako pinatapos, eh." Napanguso ako, "I'm sorry." yan na lang ang masasabi ko. He ignored my sorry. "Binilisan ko ngang matapos ang mga trabaho kong nakatambak sa aking harapan para lang mapuntahan kita agad. And then, you misunderstand me. Inaway mo na ako agad ng hindi man lang nakikinig." Mas napanguso ako. Naging masyado

