Bago ako pumasok ng opisina ko ay dumaan muna ako sa isang flower shop. Dadaan muna ako kina Arabella. Gusto kong bumawi sa kanya sa nagawa ko. Kahit sabihin nitong layuan ko na siya---hinding hindi ko iyon gagawin. "A flower arrangement. I want it big." Sabi ko sa florist na naghihintay. "Anong klaseng bulaklak po?" Napakamot ako sa aking ulo dahil hindi ko alam ang paborito nitong bulaklak. Bakit ba hindi ko iyon naitanong sa kanya. And now---hindi ko tuloy alam ang pipiliin kong bulaklak. "Kung ikaw ang papipiliin? What flower most of women wants or love?" "Rose, sunflower and tulip po ang best seller sa amin. Pero kadalasan kapag para sa girlfriend o asawa po---rosas po lagi. At depende din po sa paboritong bulaklak ng bibigyan niyo." Nakangiti nitong paliwanag habang nag aayos ng

