Nagising ako sa isa na namang hindi pamilyar na kuwarto. Pangalawang beses na nagising ako sa ibang kuwarto. I tried to remember what happened pero walang pumapasok aa aking isipan. Napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit sa aking siko. Nakabandage na ito hanggang sa aking kamay. Damn! Paano ako magpapakita sa kanila ng ganito? Lalo na kina Dad at Mom bukas. Parang nagsisi pa tuloy akong lumabas pero I know I made Ana happy. "Are you okay?" Napatingin ako nang marinig ko ang boses ni Ana mula sa gilid. Nakahiga ito sa sofa at halatang nakatulog na ito doon dahil sa pagbabantay sa akin. Kinukusot pa nito ang kanyang mga mata. "Okay na ako, Ana. What happened?" I asked. Hindi pa din kasi nagsisink in sa aking isip ang nangyari kanina. Mas nangingibabaw kasi ang kirot sa aking kamay.

