NANLALAKI ang mga matang tumatakbo si Divina sa hindi kabisadong daan na animo'y hinahabol ito ni Kamatayan. She's not ready to die! Hindi pa niya oras ngayon. Breathing heavenly, Divina ran as fast as she could. Halos magkandarapa siya sa pagtakbo matakasan lang si Nexus—ang lalaking papatay sa kaniya. "Hoy, miss beautiful, bumalik ka rito!" Narinig niyang sigaw ni Nexus habang hinahabol siya nito. "No!" Humihingal na siya pero hindi siya titigil sa pagtakbo. Just run, Divina! Run faster! "Miss beautiful, ano ba bumalik ka rito!" Muli pang tawag sa kaniya ni Nexus. Pero hindi siya nakinig. Tumakbo siya nang tumakbo, at nang mapansin niya na malapit na siyang maabot ni Nexus ay mas binilisan pa niya ang pagtakbo. "Miss beautiful huwag diya—" Bago pa tuluyang matapos ni Nexus ang

