NGUMISI si Nexus. Kitang-kita niya ang takot sa itsura ni Divina. Dahil pilyo siya ay mas inilapit pa niya ang mukha sa mukha nito. "H-huwag please…" pakiusap ni Divina na nakapikit ang mga mata. Lalong napangisi si Nexus. Akala ba talaga ng babaeng ito kaya niyang manggahasa? Gago lang siya pero hindi siya rapist. Kay Joed ang titulong iyon at hindi kaniya. Kaya niyang pumatay ng benteng tao sa isang araw pero ang gawin ito ay hindi niya magagawa. Bakit pa siya manggagahasa ng babae kung kaya naman niyang magbayad sa club para paligayahin siya? Lumayo si Nexus kay Divina. Ang babae ay nakapikit pa rin ang mga mata. "Hindi kita gagahasain dahil hindi ako ganoong tao. Saka hindi kita type kaya bumangon ka na riyan at aalis na tayo bago pa magsilabasan ang mga aswang." Ani Nexus na nauna

