Katulad nang usapan ay nagising nga kame ng maaga, lahat kame ay nakabihis na, pati sila vallen, pero diba ibang group nga sila kaya hindi kame magkakasama "Ano handa naba kayong umalis? "Ani sky, binatukan siya ni bright "Galing ah, sige mauna ka, wala panga tayong pahintulot ng head mistress eh, chaka wala pa si ma'am Algeria no"pagtataray ni bright kay sky, hay nako, sanay nako sa mga kulitan nila, kaya hindi nako mag tataka pag nagkatuluyan sila. "Yiiie, Jan nagka tuluyan ang lolo't lola ko, hahahaha"pangaasar sakanila ni calvin, tinrayan lang ito ni bright Lumipas ang ilang oras pa at mag 7:30 am na pero wala padeng pwedeng umalis, kaya napag pasiyahan kong puntahan ang head mistress,nakabalik na kase siya. Nagpaalam muna ako sa mga kagrupo kong naghihintay din na aalis muna

