"Mommy!" masayang salubong ni Brantley kay Maliyah pagbaba pa lang niya sa sasakyan. Nag-text kasi si Luke sa kanya na ipinahatid nito ang anak niya sa mansyon dahil nasa clinic si Braxton at Nova para ipagamot ang huli sa mga doktor doon. Walang magbabantay sa anak niya kaya't sa katulong muna nila ibinilin. Hindi niya natiis ang anak na mag-isa sa mansyon dahil baka maghanap ng magulang. Kahit may klase siya ay dagli siyang nagpaalam sa professor niya at umuwi. "Oh, baby... I'm glad you're here. This is our house. Gusto mo ba ang malawak na playpen dito?" Nasa hardin sila na karugtong ng pool kung saan may laruan ng bata na ipinagawa ni Luke dahil kay Lucy at Lincoln noong maliit pa ang dalawa. "Yes, mommy, doon ako sa slide. Where's Daddy?" "He'll be here soon," sagot niya bagama't

