Chapter 38

1505 Words

Namasyal sila sa Manila Ocean Park at kumain sa kung saan-saang restaurant sa buong maghapon kasama si Luke at ng dalawang bata kasama rin si Yaya Pining. Kinabukasan na sila nag-checkout sa hotel dahil gustong sulitin ni Luke ang honeymoon nila. At tuwang-tuwa rin ang mga bata sa pamamasyal na bihira nilang gawin. "Magpahinga ka na muna, ako na lang ang pupunta sa clinic," suhestyon niya. Hindi niya gustong masagad ang pagod ni Luke na animo'y walang sakit. Ni hindi niya kinakitaan man lang na hiningal kahapon sa pamamasyal nila. "I'll go with you." "Hindi na. Hanggang tanghali lang naman ako dun babalik din ako kaagad." "Ipagda-drive kita," pamimilit nito. Bagama't nag-driving lesson naman siya dahil sa kagustuhan ni Luke, bihira siya nitong payagan na mag-drive na mag-isa. "Ang t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD