Kumatok si Maliyah sa silid ni Lucy pagkatapos ay binuksan at pumasok. Nakadapa ito sa kama at ang mata ay nakatuon sa pinapanood na Hannah Montana. Umupo siya sa gilid ng kama. Kusa namang hininaan ng bata ang pinapanood at umayos ng upo. "Tita Maliyah..." "Galit ka ba sa amin ng Daddy mo?" "No, Tita..." Kinuha nito ang stuff toy na unan saka niyakap. Hinaplos niya ang buhok nito habang iniisip kung paano ito paliliwanagan. "Hindi mo ako gustong maging second mommy?" "May second mommy po ba? Ang sabi kasi ni Mommy noon siya lang ang mommy namin ni Lincoln." "Natatakot ka ba na magselos ang mommy mo sa heaven kapag may iba ka nang mommy?" "I don't know..." "Hindi naman magbabago ang lahat kahit ikasal kami ng Daddy mo, Lucy..." "E bakit po gusto niyo pang magpakasal?" "Because y

