Martin Ang sabi ng isa ay siya si Natasha. Sinundan naman iyon ng isa na nagpakilala na siya si Narasha. Pagkatapos niyon ay nagsalita ang isa sa lalaking kamukha ko na siya si Marvin. At ang panghuling nagpakila ay si Markin na. "Ano?" tanging sabi ko sa pagkalito dahil sa bilis ng mga pangyayari. Kung kanina ay sumasayaw pa lang ako sa entablado, ngayon ay nasa kwarto na ako kasama ang apat na taong may alok na malaking halaga ng pera sa akin. Dahil sa natigilan sila sa tanging sinabi ko, tumahimik bigla ang buong kwarto. That is a score of seconds past when someone broke the silence by means of speaking... "Hay nako, uuwi na ako. Mukhang mahihirapan tayo nito," sabi ng nagpakilalang Markin sa tatlong kasama niya. "Umupo ka riyan, bunso. Walang aalis. Kahit na hindi tayo nakikilala

