Azelf At sa wakas ay natapos ko na ring basahin ang ikaapat na libro na pinababasa sa akin ni Kent Bernard: una, ang 'Little good happy girl'; sunod naman, ang 'Dancing alone to her own rhythm'; ikatlo, ang 'She is there inside of you'; at ang huli-- at kababasa ko lang-- ang 'Sleeping silently, innocently'. "Azelf, ano ‘yang binabasa mo?" pagkasarado ko ng libro ay narinig kong nagtanong ang kagigising ko lang na kaibigang si Narasha. "Ah wala ito. Gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko habang itinatago sa likod ang naturang libro na kababasa ko lang. "Kumpara sa dati, maayos na ngayon. Patingin nga ng binabasa mong ‘yan." Ngumiti siya sa akin para ipahalata na mabuti na talaga ang pakiramdam niya. "Wala nga ito." Nilapag ko ang libro sa sahig at tinungo ang reha

