Azelf Ang kapirasong chocolate na iyon at isang lunok na tubig na ibinigay niya sa akin kapalit ng paghalik sa mga labi ko-- na alam kong hindi naman nangyari-- ay sadyang napakakulang para matustusan ang pangangailangan ng katawan ko. Kailangan ko pa ng maraming chocolate at sapat na tubig. Kailangan kong mabuhay. Sa likod ng mga takipmata ko, nang maramdaman ko ang pagbitaw ng kakaibang bagay sa akin, kinuha ko ang pagkakataon na iyon-- kahit na mahirap at walang lakas-- para magsalita: "Ulit." Biglang napuno ng katahimikan ang paligid matapos kong isabi ang natatanging salita na naisatinig ko sa loob ng mahabang panahon. Ulit. Hinintay ko ang tugon ng taong may boses lalaki, ngunit nang makaraan ang ilang sandali na dapat narinig ko na ang tinig niya ay wala akong may narinig. Pati

