Azelf Nakaupo ako nang matuwid sa isang armchair. Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit nila ako nilipat ng bilangguan. Sabi nila, ito na raw ang bago kong selda kung saan ako mamamalaging panmatagalan. Habang nililibot ko ang paningin sa buong kwarto, kapuna-puna ang pagkakaiba ng dati at ng kasalukuyan kong lugar sa loob ng warehouse na ito. Kumpara sa dati, ngayon ay mayroon na akong maayos na bentilasyon. Hindi na masyadong mainit ang paligid. Ang sahig ng selda ko ngayon ay naka-linoleum na rin. Wala na ang magaspang na amoy ng lupa na mayroon sa dati kong kinalalagyan. Wala na rin ang mga tanawin ng mga batang naghihirap. Hindi ko na naririnig ang mga paghihinagpis nila. Sana ay nasa maayos lang silang kalagayan. "Good morning, Azelf!" Mula sa malalim kong pag-iisip, biglang

