Azelf Tila kay bilis ng oras kapag ito’y tumakbo. Kani-kanina lang ay papasok pa lang ako ng Sylvantus kasama ang kaklase kong si Leticia. Ngunit sa hindi ko matukoy na dahilan, hindi ko na siya makakasabay sa pag-uwi ngayong hapon. Lumiban kasi si Letica sa buong araw naming klase. Kasama ko ngayon habang tinutungo ang isang exit gate, ang matalik kong kaibigan at kasama kong na nag-pa-part-time sa Sensation Massage Spa na si Helinda Faulkerson. "Year-end holiday is approaching, Azelf. Say, what will be your plans to make most out of it?" pag-iiba niya ng topiko pagkatapos naming pag-usapan ang bagong pasok na empleyado sa Sylvantus University. Ang lalaking nakabangga ko kanina, it looks like Helinda has love at first sight for him. "Ewan ko, baka araw-araw na part-time sa spa?" kibit-

