Mula sa mahimbing kong pagkakatulog ay nagising ako nang marinig na bumukas ang pintuan sa napakakomportable kong selda. Sino naman kaya ang papasok dito sa ganitong oras ng gabi? Ang bahagyang liwanag na nagmumula sa labas ng pinto ay nagbigay sa akin ng kaunting kaalaman na isang matangkad na lalaki ang pumasok sa selda ko. Nanatiling pinagmamasdan ko siya sa kung ano man ang balak niyang gawin para pumarito siya sa lugar na ito. Mula sa kaunting liwanag na mayroon sa paligid, nang masarado na niya ang pintuan ay wala na akong makita. Ilang segundo makalipas iyon, ang buong kwarto ko ay biglang nagliwanag. Pinindot ng matangkad na lalaki ang switch dahilan para umilaw ang paligid ng selda. Nakatayong siyang may mukhang seryoso. Napatanong ako sa sarili: ano ang dahilan ni Kuya para p

