Azelf Nang makarating na sa parking lot ng school ang Ford Explorer na sinasakyan namin, lumabas na kami ni Leticia sa sasakyan. Mula sa pinaparadahan ng mga magagarang SUV ng mga estudyante, makikita sa hindi kalayuan, ang entrance gate ng Sylvantus University: ang unibersidad na kung saan kami nag-aaral. Sa kagandahang palad ay nasapit namin ang Sylvantus nang maaga. Kaya naman, ang pagiging late mga kalahating oras buhat ngayon ay hindi na mangyayari. Mayroon kasing policy ang school na tinatawag na Anti-Tiredness Scheme na ipinapatupad tuwing umaga ng Lunes. Kung saan ang hindi nakapasok sa university bago mag-8 ng umaga ay kukunin ang kanilang mga ID, sasapitin ang sanction, pati na rin ang pagsama sa community service. Bukod sa aming dalawa, marami na ring mga estudyante ang tumut

