From the journal of Martin Alarcon As We Run Together Dahil sa may camping kami sa bundok ng Lemnia, ilang araw bago mangyari ‘yon ay nag-research ako tungkol sa lugar na ito. At bukod sa mga nakakatakot na kwentong naninirahan sa kalibliban nitong bundok, mayroon din naman akong natuklasan na kagila-gilalas na storya tungkol sa lugar na ito. Ito ay ang kwento kung saan tampok ang isang hardin na sa pagtakbo namin ni Azelf ay aksidente naming napuntahan. Isang napakagandang taniman na wala nang ibang halamang tumutubo kundi puros malulusog na pulang rosas lamang. Sa unang pagkakita ko pa lang nitong hekta-hektaryang hardin ay agad na akong namangha sa natuklasan. Hinihingal na namamangha sa natuklasan. Hindi pa ako nakakapunta sa ganitong lugar; at ito ang una sa talang buhay ko. Nang

