Azelf Nagdaan pa ang mga araw, hindi ko namamalayang itinuturing ko na palang parang totoong bahay itong warehouse na kinalalagyan ko. Nasanay na rin kasi ako sa mga nakikita: mga batang nakakulong sa kani-kanilang mga selda; mga may edad na lalaking pababalik-balik sa paglalakad; at ang mga iyak na maririnig paminsan-minsan. Kahit na malayo sa totoong bahay ang dating, napilitan akong tanggapin ang katotohanan: bihag nila ako. Mabuti na nga lang at gumaan ang pakikitungo ng mga lalaking bumibisita sa akin dito sa sarili kong selda. Kahit papaano hindi na nila ako minamaltrato. Hindi kagaya ng mga ibang batang nandirito. Kahit na alam kong hindi patas ang pakikitungo nila sa lahat ng mga batang bihag, wala rin akong nagawang pagreklamo. Pinagmamasdan ko lang ang ibang mga batang magtii

