Shasha's POV Kabang kaba na ako sa likuran ni Lexter, lalo na sa ibinabato na tingin ng kaniyang ina sa akin. Halos nanlalambot na ang tuhod at buong pagkatao ko! ''Lux, bakit kang pumayag na makapasok ang babaeng 'yan sa pamamahay natin!'' ''Mom, bisita siya ni kuya, baka pwede namang irespeto mo ang kasama niya!'' dahil sa isinagot ni Lux sa ina niya ay napahinto siya bigla, gulat na gulat sa naging pahayag ng kaniyang ikalawang anak. ''Lux, what? Ano nakikigaya ka na sa kuya mo? Na pagtataasan ako ng boses!'' ''Dahil pinipilit mo akong sigawan ka! Mom, I and kuya Lexter we're truly love and respect you as our mother, pero sa ganitong aspeto? Na babastusin mo pa si ate Shasha? Sorry pero hindi na kami papayag na pabayaan ka naming ganiyan,'' taimbagang saad ni Lux at tumabi sa aki

