CHAPTER 22

2720 Words
Lexter's POV Six years after graduation .... Nasa masyon kami ngayon ng mga Monreal dahil birthday ngayon ng ama ni Chris. ''Happy birthday tito Manuelo!'' ''Thank you iho,'' pagpapasalamat niya at tinanggap ang regalo. ''Dad, sa likod muna kami,'' sambit ni Chris at sumunod na sa kaniya. Nakita ko na naman ang mga kaibigan ko, mga taong kung dati ay madalas ko kasama pero ngayon ay napakadalang na. Lahat kasi kami ay abala na sa sarili naming mga kompanya. ''Basketball tayo,'' pagyayaya ni Allen at inabot sa 'kin ang bola. ''Kampi kami ni Lexter, kayo naman ang pair Chris at Rumir,'' dagdag pang usal ni Allen. ''No problem!'' malakas na sigaw ni Rumir at sinumulan na ang laro. Naka-business suite attire man kami pero hindi alintana namin ang paglalaro ng basketball. ''Two points, team Rumir Chris,'' sambit ng kalaban namin kaya mas nanggigil akong agawin ang bola at ipasok sa ring. ''Woah, aggressive ka talaga Lex! Dapat foul 'yon eh!'' saad ni Chris pero 'di ko na pinansin pa. ''Nakatres lang ang kakampi ko foul na ang reklamo mo diyan. Nice one 'tol!'' sambit ni Allen at umapir pa. Tinuloy pa namin ang laro, at sa hindi ko inaasang pangyayari, natapakan ko ang isang plastic cup kaya -- ''Lexter! 'Tol!'' sigaw nilang tatlo habang alalang pinabangon ako kaagad. ''O-okay ka lang ba?'' Mas lalong nag-alala ang mga kasama ko dahil sa napahawak ako sa aking tahi sa ulo. ''Nako mayayari tayo nito kay tita Stacy!'' ''Tss, guys okay lang ako, huwag kayong praning.'' Umatras ako sa kanila para ipakitang okay lang ako. ''Huwag na nga tayo maglaro, baka mamaya may madali pa eh. Tara sa loob na lang tayo,'' pagyayaya ni Allen sa iba pa naming kasama dito. Habang nasa party, biglang sumakit ang ulo ko ulit. '''Tol, saan nga ang CR niyo?'' ''Kaliwa 'tol, sa likod ng hagdan,'' sagot naman sa 'kin ni Chris. Sinirado ko kaagad ang pintuan, ibinaba ang cover ng bowl. Umupo ako do'n at hinawakang maigi ang ulo kong napakasakit! ''Damn it! Ang sakit ng ulo ko!'' Ilang beses pa akong naghilamos, para kahit papaano ay mahismasan ako! ''Lex? 'Tol okay ka lang ba?'' tanong ni Chris habang kumakatok. ''O-oo 'tol,'' ''Sigurado ka ha?'' ''Oo, hintayin niyo lang ako sa labas.'' Narinig ko na ang pag-alis niya dahil sa mga ingay na hakbang. ''Naambunan siguro ako kaninang umaga,'' bulong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin, nang biglang naalala ko na naman ang pagbagsak ko kanina. ''Nadulas lang naman ako pero bakit ang sakit naman yata ng ulo ko?'' '''Tol? Kanina ka pa diyan ha?'' si Rumir ang nasa labas ng banyo, mukhang na prapraning na naman dahil sa 'kin. Kaya lumabas na lang ako at agad pumunta sa kanila. '''Tol ano na? Umebak ka ba? Gaano ba kahaba 'yang nilabas mo?'' pangangasar sa 'kin ni Allen na halata namang naka-inom na ng kaunti. ''Hay nako Allen sabi ko dahan-dahan sa inom eh,'' ''Pwes 'di ako tulad mo Rumir na tumitira ng pulutan.'' Nag-asaran lang ang dalawa at naghahampasan ng unan. Dahil sa paghaharutan nila, sa hindi inaasahan ay sa akin napunta ang napakalakas na hampas ni Allen. Napaupo ako sa sahig dahil sa sunod-sunod ng gumuhit na sakit sa ulo ko! Inakyat nila ako sa kwarto ni Chris at doon inihaga para hindi ko masira ang party ng kaniyang ama. ''Tarantado ka talaga 'tol! Bakit naman kasi ang lakas ng hampas mo!'' malakas na sigaw ni Rumir kay Allen kaya ang pagkalasing niya ay agad na yatang nawala. ''Chris, ikuha mo na lang muna ako ng biogesic,'' ''Sigurado ka ba! Ayaw mong pumunta tayo sa hospital!'' ''What? Hindi na, biogesic lang ang kailangan ko Chris,'' ''Sige, kukuha ako. Rumir samahan mo 'ko bumaba para ikaw naman sa tubig. Allen, umayos ka,'' usal niya sa katabi ko at umalis na ang dalawa. '''Tol sorry, sinampal kasi ako ni Rumir kanina kaya gusto kong gantihan,'' ''Okay lang sumakit lang talaga ang ulo ko. Bakit ka naman kasi sinampal ni Rumir?'' ''Eh -- inasar ko lang naman kasi siya,'' ''Tungkol saan na naman Allen?'' ''Kay ano -- kay -- Rain.'' Bahagya akong napahinto sa paghimas ng ulo ko. ''B-bakit? N-nagkita na ba ulit sila?'' ''Ewan ko? Pero malamang hindi, kahit six years na ang nakalipas alam kong masakit pa rin ang paghihiwalay nila.'' Pagkatapos niya sabihin 'yon ay sakto namang dumating na ang dalawa. ''Lex oh, inumin mo na kaagad.'' Kinuha ko ang tubig at gamot at nag-alay muna ng panalangin bago ininom. '''Tol? Ikaw ba 'yan?'' ''Bakit Chris?'' ''When did you learn praying?'' ''H-ha?'' ''Oo nga 'tol?'' ''Parang may nagturo lang sa 'kin no'n.'' Bigla namang lahat silang nagtinginan. ''S-sino n-naman 'yon?'' ''Hindi ko alam 'tol, hindi ko na maalala.'' Wala lang silang imik na parang mga estatwa. ''Guys, pwede matulog muna 'ko? Pwede bukas na lang ako umuwi?'' usal kong tanong kay Chris ''Bakit? I mean oo naman -- sige sa guest room na muna ako matutulog,'' ''Dito na lang din kami matutunog ni Allen para magka-bonding naman tayo,'' sambit ni Allen at umakbay kay Rumir. Umikot ang oras, gabing gabi na pero hindi pa rin ako makatulog dahil gumuhit na naman sa ulo ko ang napakasakit na kirot! Hanggang sa biglang may nag-flashback sa isip ko -- naaninag ko -- ang mukha ni -- ''S-si Shasha! N-naalala ko na lahat -- LAHAT-LAHAT!'' SHASHA'S POV Masaya ako dahil okay ngayon ang takbo ng hotel. Kanang kamay ako sa pag-aasikaso dito sa hotel ni Rain sa La Acosta. Matanda na si tito Romolo kaya paminsan minsan na lang siyang dumadaan sa opisina at kung minsan naman ay tumatambay lang sa hotel. Tulad ko, hindi rin maganda ang paghihiwalay nilang dalawa ni Rumir. Pero ang mahalaga naman ngayon ay parehas na kaming nakakangiti at nakakahinga ng maayos ngayon. ''Ma'am Acosta, good morning!'' bati ko kay Rain na may dala dalang mainit na kape dito sa kaniyang opisina. ''Tigilan mo 'ko sa pagma-ma'am mo ha,'' sambit niya at itinali ang kaniyang buhok. ''Shasha okay naman ang sales natin last week pero parang bahagyang bumaba?'' ''Baka nakakalimutan mo na kaaalis lang ng bagyo. Huwag ka masyado ma-stress at babalik din ang good sale natin.'' Napahingang malalim na lang siya sa sinabi ko at hinawakang maigi sa isang papel. Kinuha niya ito at inilapit sa kaniyang mukha na animo'y nanginginig na ang kaniyang mga kamay. “S-Shasha tingnan mo ang monthly report.” Binagsak niya sa kaniyang lamesa ang mga papeles na hawak niya at tumayo mula sa swivel chair dito sa kaniyag opisina. “What the -- Rain,” “Shasha, bobo ba ako mamalakad ng hotel na ‘to? Am I that fool? Kailangan ko na rin sigurong tumaya para manalo at maitapal dito sa pondo ng hotel eh!” Humawak sa kaniyang ulo at napakamot dahil sa sobrang stress. “Oh my. Hindi ko alam kung bakit ganito kababa ang sales natin. We did everything we could naman specially ng team marketing at sa strategy nila,” “Anong gagawin na natin Shas? I’m losing my mind right now,” usal na hingang malalim niya na nakatanaw mula sa labas ng bintana. “Sabihin mo sa akin Rain kung kailangan ko na ibenta ang kidney ko, gagawin ko talaga!” “Sira ulo ka talaga sa Shasha. Gagawa tayo ng diskarte pero sa malinis sa paraan,” “Rain k-kumusta na pala -- ang meeting niyo ni Rumir?” Alam ko na ang tanong na ito ay lubhang iniiwasan niya lalo na't nasa panganib na ang La Acosta hotel. May pending din silang dalawa sa meeting tungkol sa upcoming event ng kompanya nila na idadaos dito sa La Acosta hotel. Handa na ba talaga siyang makita ang ex niya? Na makita si Rumir ulit? Ilang sigundo ay wala pa rin siyang sagot sa tanong ko. “RAINNNN!” “A-a-aano? Ano -- ngang -- sabi mo?” “Grabe kausap mo lang ako kanina tapos biglang lumalim na ‘yang pag-iisip mo,” sambit ko na napakamot na lang sa aking baba. “S-sorry. Ano nga sabi mo kanina?” “Sabi ko, kumusta ang meeting niyo ni Rumir,” “Shasha? Nabunutan ka lang ng ngipin noong nakaraang linggo, nakalimutan mo na agad na namoved ang meeting naming dalawa. P-pa check naman kung kailan nga ulit -- 'yon,” “Gosh! Oo nga, ngayon ko lang naalala. Wait wait, tingnan ko muna.” Kinuha ko this time ang tablet at ini-scan ang scheduled meetings niya. “Hmm, sa susunod na araw Rain. Eight thirty ng gabi,” “Eight thirty ng gabi? Parang gabing gabi naman na ata ‘yan Shasha?” “'Yon kasi ang availability niya on Thursday eh. Tsaka gora ka na, wala na tayong choice Rain. Kailangan mo i-close deal ang another contract. Sa Alfian Dining pala kayo mag-di-dinner, nakapag-reserved na rin ko,” “Bakit sa Alfian Dining pa? Ayoko ang mga pagkain doon, mga masasarsa. Anyway, dito na lang tayo mag-ready that day. Or, sunduin na lang kita sa inyo para hindi ka na mag-taxi. Ang kuripot mo kasi, ayaw pa bumili ng sariling sasakyan,” “Rain, sorry pero -- I reserved only for two people,” “You’re kidding me, nice joke Shash,” pakla niya akong nginitian, hanggang sa nagbago na ang expression ng kasama ko. “Rain, why? Bakit naman ganiyan ang mukha mo? Dinner meeting ha. Hindi dinner date, okay? Haha! Pasensya ka na, puno na kasi ang for three and for four seat kaya for two na lang ang nakuha ko para sa meeting niyong dalawa.” Napanganga at napahinga siyang malalim sa update ko sa kaniya. Wala na talaga siyang ibang option, kundi ang kausapin na lang ang ex niyang si Rumir! “H-hmm. S-Shasha?” “Oh?” sagot ko habang humihigop ng aking caramelized coffee. “H-hindi ka ba naiilang kapag -- nakikita mo si L-Lexter?” Bahagyang nanigas ang panga ko, pero hindi ko na lang masyado pinahalata. “Hmm. Hindi ahh. Bakit naman maiilang eh hindi naman naging kami. Hanggang mutual understanding lang naman kami ng mokong na ‘yon way back college. Haha,” pagsisinungaling ko. “Kahit na, may past pa rin kayo eh. So you mean kaya mo pa rin makipag-usap -- sa kaniya?” “Oo naman why not? Goods naman kaming dalawa no'n,” “Good as in, in good terms? Or good na as in casual lang?” “Goods as in magkaibigan talaga. Lumabas nga kami noong nakaraan eh,” “Aba-aba.” Pailing-iling niyang usal sa kaniya. “What?” “Kung hindi pa ako napatanong, hindi ko pa malalaman na ‘yong best friend at secretary ko ay nakikipadate na pala sa vice president ng Frante Merchandise Corporation,” “Heler bakit ko pa sasabihin ‘yon eh not a big deal naman. Besides ang dami na nga nating problem, magsasayang pa ba ako ng oras na ikwento ‘yon sa 'yo? Hehe,” “Hmm. Nililigawan ka ba niya ulit?” tanong niya sa 'kin at umupo sa sofa. “H-hindi ah. B-bakit niya n-naman ako l-liligawan?” “Oh bakit ka nauutal? Okay lang baliw. Hindi naman ako magagalit kong nanliligaw sa 'yo ulit ang kaibigan ng ex kong hudlom! Hahaha. Saka dalaga ka naman. Nagtratrabaho ka nga dito pero tandaan mo hindi kita pagmamay-ari okay? You still have your own life to live Shasha.” Hindi na ako nakasagot kaagad sa kaniya. “A-actually may sasabihin ako sayo Rain.” Huminga akong malalim at umupo sa tabi niya. “Hmmm?” “Alam mo ba, may nalaman akong something. I don’t know na nga kung tama pa ba ‘yong -- ginagawa kong -- pakikipagkita sa kaniya,” “Ano? Nakikipagkita ka sa kaniya? Teka bakit ano ba kasi ‘yon? Dalian mo naiintriga na ako!” “Kilala mo ba 'yong best friend ni Tina?” “Haha, what about that snake Alex, the kunsintidor b*tch?” “Assistant secretary kasi siya ni Ms. Ley na secretary ni Lexter.” “Then?” “Syempre kahit six years ago na ‘yong nangyari dati, gigil pa rin ako kay Tina at sa kaibigan niyang siraulo na 'yon.” Si Tina, siya ang kababatang kaibigan ni Rumir na nahuling magkahalikan ni Rain bago kami noon grumaduate sa college. “Oh ano naman ‘yong sasabihin mo about sa kanila?” Taas kilay niyang usal sa 'kin. “May hinatid kasi akong files sa opisina nila. About ‘yon sa recommendation sa hotel natin. Ang weirdo no'ng Alex, nilapitan ba naman ako bigla,” “Tapos?” “Tapos tinitigan niya ang mukha ko sandali,” “Hahaha, baka naman may muta ka! Hahaha!” “Baliw wala, kasi nag-bathroom ako no'n bago ako umakyat sa floor nila,” “So ano nga, ito maraming patalastas eh. Sabihin mo na kaya,” “Hmm,” “Anong hmm? Ano bibitinin mo ko?” “R-Rain, tinanong ni Alex kung naging magkaibigan ba raw kami ni Lexter d-dati,” “Baliw. For sure alam nila na naging magkaibagan kayo. Sa UP din sila ni Tinang ahas nag-aral no,” “Well I think hindi niya talaga alam, kasi tinanong niya ako. Seryosong seryoso kaya siya no'ng tinanong niya ako.” “For what ba? Tinanong ka niya because?” “Leche, Kris Aquino ka na?” “Hahaha, che! Huwag mo na akong iligaw Shash. Then what happened next?” “Si Alex, nakita niya raw kasi accidentally na -- naka-wallpaper ang mukha ko sa phone ni L-Lexter.” Lumaki ang mata ng kasama ko at napa-awang ang bibig dahil sa narinig. “Noong tinanong niya kasi kung kakilala ko raw ba si Lexter, sabi ko hindi. Sabi ko ngayon ko lang siya nakilala. Tapos sabi niya, hawig ko raw kasi ang babae na nasa cover ng cellphone niya. Mas younger version lang daw ng mukha ko,” “Woah. Baka ikaw nga talaga ‘yon. Shasha what if -- manligaw siya ulit sa 'yo? M-mahal mo pa rin ba siya?” “H-hindi ko na alam Rain,” “Hey. Shasha, look at me. I said look at me. Hindi tayo parehas ng love story okay?” “Hindi ko alam Rain, pero alam ko kasi na hindi pwedeng maging kami,” “What? Huh? Bakit mo naman nasabi ‘yan? Grabe kaya ‘yon siya mag-effort way back college. Saka look, cover ka pa niya sa kaniyang cellphone. It’s been so so long, pero mukhang hindi pa rin nagbago ang puso niya sa 'yo after all,” “Hayss,” usal ko. Bigla ng lumungkot ang mood ko at nagpakawala ng malalalim na hininga. “Shas, may I know if what is the reason kung bakit kayo hindi nagkatuluyan -- before? Alam ko na madami na rin ang pagsubok na dumaan sa niyong dalawa, lalo na noong aksidente siya,” “Rain, tulad ng sabi ko sa 'yo noon ay bigla na lang nawala ang nararamdam ko para sa kaniya,” “Oo tanda ko ‘yan na sinabi mo. Pero ‘yon lang ‘yon? Gano'n lang sa 'yo kadali na mamatay ang feelings mo para sa kaniya?” “Rain -- nawala ang feelings ko sa kaniya kasi -- nasaktan ako,” “Nasaktan? In what way ka niya sinaktan?" “Noong -- ika-sixteenth birthday ni Lux na mas nakababatang kapatid niya, isinama niya ako sa party sa kanilang mansyon. Nag-bathroom ako sandali noon para umuhi. Paglabas ko, nakita ko silang mag-ina na nag-uusap malapit sa isang malaking Tiger statue. Alam kong mali na makinig sa pinag-uusapan nila, pero sobrang -- na-curious ako,” “Oh narinig mo naman ‘bang malinaw ang pinag-uusapan nila?” “Mas malinaw pa sa sikat ng araw Rain. Dinig -- na dinig ko kung paano ako pandirihan ng mommy Stacy niya, kaya umalis na ako ng walang paalam. Simula noon, pinutol ko na rin ang ugnayan naming dalawa. Kasi 'di ba? Napakalayo ko nga naman talaga sa kaniya. Hahaha.” Tumatawa ang mga labi ko, pero ang mga mata, pulang pula na. “Shasha, hayaan mo na ang mommy niya. Nalagpasan mo na nga ang unos niyong dalawa no'ng nadisgrasya siya eh,” “Hindi na, like what I’ve said, ayoko na magsayang ng lakas at oras,” “Hays, ang strong naman ng sissy Shasha ko! Pa-hug nga!” Hinagkan niya ako ng napakahigpit, kaya kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko. “Nga pala Rain.“ Kung kanina ay malungkot ako, pwes ngayon naman ay nag-aalala para sa ibabalita ko sa kaniya. “Hmmm?” “Rain -- m-may gusto ng mag -- resign na staff,” “What? Why!” “Baka natatakot silang magsirado ang hotel, kaya Rain gawin na natin ang lahat ng paraan hanggat maaga pa,” “Hmm. Na-vision ko na rin na mangyayari ‘to. I should do something to solve this problem quickly,” “Kaya nga if Rumir can save this mess, push na, kahit maging sekretarya ka pa ng ex mo. I think this is not the right time na unahin pa ang mga pride natin,” sambit ko at inubos na ang natitirang kape sa tasa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD