CHAPTER 1

1460 Words
Lexter's POV Kabilaan ang pag-aayos ng first birthday ni Miracle, ang panganay na anak ng isa sa mga matatalik kong kaibigan. Abala ang lahat lalo na ang mommy niya na si Amara sa pag-aayos ng mga bulaklak dahil sa Alice in the Wonderland ang theme ng birthday event nito. Ako pa lang ang mag-isa na nakaupo sa table at medyo dumarami na rin ang tao at mga batang nakikipaglaro ng lobo sa paligid kasama si Miracle. Habang masayang nakamasid sa kanila, naagaw nang pansin ko ang mga lalaking papasok na sa malaking gate. Nakita ko na ang matatalik kong mga kaibigan, sina Rumir at Allen na sinalubong naman kaagad ng ama ni Miracle na si Chris. "The third and fourth fairy godfather we're here! Woah ang aga mo naman yata dito Lex!" saad ni Rumir sa 'kin at yumakap. "Syempre naman, first birthday 'to ni Miracle," "'Yan tayo Lex. Kapag mga anak ng tropa, maaga ka sa party. Pero kapag tayo na mismong magtropa, legit na ang pagiging late mo," pangangasar naman ni Allen. "Grabe ka naman sa 'kin Allen! Ten minutes late lang naman ako no'ng birthday mo last week," tawang pagpapaliwanag ko sa kaniya. "Tama na asaran niyong dalawa. Teka, nasaan si Shasha? Kasama mo ba Lex?" That simple question, turned my mood different in an instant. Kanina ko pa nilalabanan ang lungkot at pinipilit na ngumiti na lang dahil sa birthday ngayon ni Miracle. Kaya lang ang biglang tanong ni Rumir sa akin -- ay mas ikinalungkot na ng araw ko. ''B-busy. Sa susunod na lang daw siya babawi,'' ''Busy na naman siya?'' napatingin naman ako sa sabat ni Allen. ''Pwede ba? Pumasok na lang tayo at ipagdiwang muna ang kaarawan ni Miracle?'' saad ko. Hindi na sila nakasabat pa at pumasok na sa loob ng mansyon. Umupo ako sa itim na sofa at kumuha ng ilang finger foods doon. ''Guys, pwede lumabas naman tayong apat?'' panimulang tanong ni Allen noong kami ay nakaupo na. ''At bakit? Problemado ka na naman ba kay Blessica?'' ''Hey, it's not about her. Namiss ko lang talaga kayo. Teka, baka nakakalimutan niyong it's been a month na, na hindi tayo lumalabas na tayong apat lang,'' ''Okay sa akin, deal. Kaso paano naman ang dalawa nating kaibigan na may mga asawa na?'' tumungin ako kay Rumir maging kay Chris. ''Papayag ang mga 'yon. Kakausapin ko na lang si Amara total close naman na sila ni Rain,'' saad naman ni Chris. ''Nice! So kailan tayo?'' ''This coming weekend?'' ''Sure,'' sambit ni Rumir at pumunta na kami sa host na nag-iimbita na sa amin para simulan na ang birthday party ng baby girl nila. Masaya naman ako. Masayang masaya. Kaya lang, wala ang side kick ko, wala ang girlfriend ko na si Shasha. Madalang na kasi kaming nagkikita, at kung mag-uusap man ay madalas sa video call pa. Dahil sa mood ko, pumasok muna ako sa loob para umupo at mapag-isa. Pinikit ko ang aking mata at napabuntong sa paghinga. ''Ano na naman kaya ang ginagawa niya ngayon?'' bulong kong mahina sa sarili. ''Oh, sino ang kausap mo diyan?'' Napamulat ako bigla dahil sa babaeng nagsalita. ''W-wala Rain,'' sagot ko naman sa kabiyak ni Rumir. Umupo siya sa tabi ko hawak ang isa sa anak nila na si Rocco. ''Dito muna kami sa loob Lexter. Wala eh, kanina pa kasi sila naglalaro ng ate Reese niya kaya ito, pagod at tulog na,'' masayang sambit niya. ''Hindi niyo simana ang triplets Rain?'' matamlay na tanong ko. ''Hindi na, baka mabaliw na ako magbantay. Hindi nakikinig sa mga yaya 'yon eh, manang mana kay Rumir,'' ''Hmm. I see,'' usal ko at inayos ang aking pagkakaupo. ''Lexter, may problema ba kayo ni Shasha? You look so upset,'' ''W-wala naman Rain,'' pagsisinungaling ko sa kaniya. Matalik silang magkaibigan simula pa lang noong college kami kaya unting masambit ko lang sa kaniya ay tiyak na makakarating ito kaagad kay Shasha. ''Sigurado ka ba? Teka, pasensya ka na pala at hindi siya nakasama ngayon dito sa birthday ni Miracle. Kinailangan kasi siya sa La Acosta kaya nandoon siya sa board meeting,'' ''Okay lang Rain, ano ka ba. Naiintindihan ko naman na busy lang siya ngayon.'' ''Good, akala ko ay nagtatalo kayong dalawa. Huwag kang mag-alala dahil kasama naman niya lagi si Gin, nang sa gayo'n ay hindi naman siya sobrang ma-stressed out at mapagod sa pamamalakad ng hotel.'' ''G-Gin?'' ''Oo, bakit? Hindi mo ba siya kilala?'' ''Hindi, s-sino siya?'' ''Co-manager ni Shasha sa La Acosta. Matalik din silang magkaibigan dahil naging kaklasi niya 'yon sa ibang subject. Ka-batch din namin siya dahil Tourism din ang kinuha niyang kurso katulad namin ni Shasha,'' ''G-gano'n ba,'' hingang malalim ko habang nakatingin sa larawan ni Shasha na cover picture ko sa aking cellphone. ''Teka, nangangalay na ako sa bigat ni Rocco, iaakyat ko na lang muna siya sa guest room ha,'' ''Gusto mo ako magbuhat sa kaniya?'' ''No, no. Nakapahinga na rin naman ako sandali.'' Ngumiti siya sa akin at iniwan na akong mag-isa sa sala. Bakit hindi ko kilala si Gin? College pa lang ay may ugnayan na kaming dalawa ni Shasha pero bakit ngayon ko lang narinig ang pangalang 'yon? May matagal na bang nililihim sa akin si Shasha? ''Guys, nandito nga!'' malakas na sigaw ni Rumir sa pintuan at agad naman pumasok para tabihan ako. '''Tol, you're not okay,'' panimulang usal ni Rumir. ''What? Bakit naman ako hindi magiging okay?'' ''Tell us, what's bothering you?'' dagdag pa na tanong ni Chris. ''Guys, I'm okay. I'm -- '' ''Boo!'' Naagaw ng attention namin sa babaeng papalapit sa amin. ''Shasha,'' tumayo ako kaagad sa sofa at yumakap sa kaniya. ''I'm here!'' saad niya na animo'y may kislap pa ang kaniyang mga mata. ''Chris, regalo ko kay Miracle! Sana magustuhan niya!'' ''Wow, sigurado akong magugustuhan niya ang bagong teddy bear niya. O sige na, maiwan na muna namin kayong dalawa ni Lexter dahil -- '' '''Tol, labas na -- ito naman eh,'' sambit ko naman sa hirit ni Chris sa amin. Dalawa na lang kami ni Shasha ngayon sa sala kaya kahit papaano ay makakapag-usap na kaming dalawa nang maayos. ''Ano ang regalo mo kay Miracle, boo?'' panimulang tanong niya sa 'kin. ''Katulad lang din ng sayo, teddy bear. Sekretaryo ko lang ang bumili kahapon dahil busy ako. Anyway, sino naghatid sayo papunta dito?'' ''Naghatid? Mukha ba akong may driver?'' ''Boo, sino si -- '' ''Wow! Nasa labas si Reese! So nandito rin ang mommy niya!'' ''Hey, mamaya na kayo mag-usap si Rain. Mag-usap muna tayong dalawa.'' Napatingin naman siya sa akin at napakunot ng noo. ''Boo, what's wrong? May problema ba?'' ''Shasha, bakit ka napapunta dito sa birthday ni Miracle?'' ''What are you talking about? I'm here because today is Miracle's first birthday! And not just that! I'm here because I missed you!'' ''Namiss mo ba talaga ako? O napilitan ka lang pumunta dahil sa nag-text o tumawag si Rain sa 'yo?'' ''Ano bang -- sinasabi mo Lexter? Hindi mo ba alam na sobrang pagod ako, ni halos wala na ngang sapat na oras ang tulog ko, tapos ito pa pala ang maririnig ko sa 'yo?'' Pumunta ako sa may pintuan at isinirado 'yon, dahil sa baka mamaya ay may makarinig sa labas kung saan nagsisimula na ang party ni Miracle. ''Bakit totoo naman 'di ba? Na napilitan ka lang?'' ''You're impossible Lexter,'' ''Mahal mo pa ba talaga ako Shasha o may iba ng lalaki diyan sa puso mo?'' ''Puwede ba huwag mong sirain ang first birthday ng bata? Utang na loob naman Lexter!'' Ilang sigundo na naging tahimik ang pagitan naming dalawa nang biglang may kumatok sa pintuan. Tumayo si Shasha, marahil sa alitan naming dalawa ay napilitan na lang siyang umalis na ng maaga. Binuksan niya ang pinto at agaran nang lumabas. Sa inis ko ay pumunta na lang ako sa kusina at kumuha ng ilang drinks doon. '''Tol, ano nag-away na naman ba kayo,'' usal ni Rumir habang papalapit sa akin. '''Tol, please. Huwag dito,'' inis na sagot ko kaya hindi na siya nagsalita maging sina Chris at Allen. Tahimik lang ang naging eksena namin, nang biglang lumapit si Rain kay Rumir. ''Mahal, na sa 'yo ba ang cellphone ko?'' ''Oo nandito sa coat ko. Naiwan ko pala ang akin sa sasakyan. Akala ko pa nga ay aking cellphone ang dala-dala ko, 'yon pala ay sa 'yo.'' Napalaki ang mga mata ko dahil sa narinig. ''H-hindi mo ba ginamit -- ang cellphone mo kanina -- Rain?'' ''Hindi Lexter, ngayon ko nga lang ulit nahawakan ang phone ko eh. Alam mo naman na kambal ang binabantayan ko at -- " hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, dahil sa kumaripas na ako nang takbo papalabas ng mansyon ng Monreal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD