Lexter's POV Napakabilis ng taon na dumanaan at mga himalang pangyayari. Parang kailan lang ay sekretarya ni Rumir si Rain, samantalang si Chris ay walang kaundangan sa babae. Ngayon, ikinasal na sila, ikinasal na sina Rumir at Rain, maging si Chris sa kakilalang flower designer ni Allen, walang iba kundi si Amara. Si Amara rin ang may-ari ng flower shop na binibilhan ko ng rosas para kay Shasha. Masaya naman kung tutuusin, pero nakakaramdam din ako ng kakaibang lungkot. Lungkot dahil akala ko ay sunod na kaming ikakasal pagkatapos nila Rumir at Rain. Pero ang pinaka-playboy namin sa tropa, naunahan pa talaga ako ni Chris! Hays, gusto ko na rin makasal! Gusto ko nang magpatali, pero ewan ko ba. Lagi na lang may ibang dahilan si Shasha sa akin. Pinag-usapan na namin 'to minsan at pumap

