CHAPTER 87 Halos kararating lang ni Breigh sa Up Land Company ng umagang 'yon. Hindi niya alam sa sarili niya kung bakit medyo good mood siya nang magising siya kanina-- iniisip niya na lang na baka dahil 'yon sa pagkaka ayos nila ni Karylle kagabi. Tama kayo nang nabasa. Tuluyan na ngang nagka ayos ang dalawa at nalaman rin ni Breigh na ang lalaking mapapangasawa pala ni Karylle ay ang dati niyang kaibigan at co-worker noong nagtatrabaho pa siya sa D' Rising Land Company na si Matt. Nalaman niya 'yon dahil si Matt ang nagsundo kay Karylle kagabi matapos ang ilang minuto nilang pag-uusap. Hindi niya na rin nabanggit ang kalagayan ng Kuya Art niya sa dalaga dahil hindi rin naman 'yon pumasok sa usapan nila. Basta ang mahalaga lang ngayon kay Karylle at Breigh ay ang fact na nagka a

