Matagal ang naging pag titig ng dalawang binata sa isa't isa habang hindi naman maiwasan ni Breigh na batuhan niya rin nang tingin ang magkapatid. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman lalo na at sumali na rin si Castiel sa eksena nilang dala ni Lee. Hindi rin naman nakaligtas ang pagkabog ng puso ni Breigh sa nangyayari lalo na at ramdam na ramdam niya ang higpit nang pagkakakapit ni Castiel sa kaniya. "Pwede bang bitawan mo siya? "Walang emosyon na tanong ni Lee and obviously, siya na ang bumasag sa katahimikan nilang tatlo. Masama ang mga binabato niyang tingin kay Castiel pero para bang hindi naman tinatablan ang binata doon. "Pwede ko naman siyang bitawan, pero dahil nakikita kong pinipilit mo lang siya na sumama sa'yo kahit ayaw niya-- I think hindi ko yun ma

