CHAPTER 83 Tahimik lang na pumasok si Castiel sa loob ng Up Land Company ng umagang ‘yon. Medyo na-late pa nga siya dahil may mahalaga siyang pinuntahan kaya naman almost mag a-alas nwebe na nang makarating siya sa kompanya. Nagtaka pa nga siya dahil nang mapadaan siya sa may Cafeteria ay wala siyang nakita doon na kahit isang empleyado maliban sa mga staff talaga ng canteen. Halos ilang araw na kasi siyang pumapasok sa Up Land at lagi siyang may nakikita na mga empleyado sa Cafeteria na nakaupo para tumambay at yung iba naman ay kumakain pero iba ngayon dahil wala talagang tao sa loob. Pero hindi na lang niya yun masyadong binigyan nang pansin dahil diretso lang siya na nagpatuloy sa paglakad palapit sa elevator. Akala niya ay walang tao sa loob pero may dalawang babae doon ang nakasak

