CHAPTER 80 Punong puno ng katahimikan at kaba ang lahat ng tao sa may pathway sa labas ng nakasaradong pinto ng Operation Room. Hawak-hawak lang ngayon ni Breigh ang kamay ng kaniyang Ate Alleysa at gano'n rin naman ito upang damayan nila ang isa't isa. Kasalukuyan kasi na nasa loob na ng operation room si Art ng hapon na 'yon at hindi talaga nila maipaliwanag ang kaba at takot na nararamdaman nila ng mga oras na 'yon. Hindi kasi nila hawak ang mga mangyayari at maaaring mangyari kaya punong puno sila ng takot at pangamba. Hindi nagtagal ay dumating naman si Lee na may dala-dalang paper bag kung saan may nakalagay na mga inumin sa loob noon. "Uminom muna kayo." Mahinahon na wika ni Lee sa dalawang babae. Nag-nod naman si Alleysa at walang salita na kumuha na ng kanyang maiinom

