CHAPTER 73 Mabilis na pumasok si Castiel sa Gold Restaurant kung saan sila magkikita ng kaniyang ka-meet. Medyo inayos niya pa ang suot niyang sky blue na polo na nakatupi ang long sleeves nito hanggang siko niya. Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang matandang lalaki na kausap niya sa cellphone sapagkat kanina pa rin sila magka-text nu'ng nakasakay pa lang siya sa TAXI papunta doon sa lugar. Nabanggit nito na malapit lang ang matandang lalaki sa may entrance kung saan nakasuot ito ng brown na jacket. Kaya naman pagpasok niya pa lang sa loob ay kitang-kita niya na agad si Mr. Suarez. Agad siyang lumapit sa lamesa nito at doon niya lang napansin na hindi pala gano'n katanda ang lalaki gaya nang iniisip niya. Kung hindi siya nagkakamali ay mukhang magkasing edad lang ang matandan

