CHAPTER 71 KINAUMAGAHAN ay maagang nagising si Castiel kahit na medyo hindi siya nakatulog kagabi dahil sa sobrang pag-iisip niya tungkol sa kung ano ba ang dapat niyang gawin sa building ng D'Rising Land Company. Matagal siyang nag-isip at pinakiramdaman niya rin ang kaniyang sarili sa kung ano ba ang mararamdaman niya kung sakaling tanggapin niya na lang ang offer ng matandang lalaki sa kaniya. Sa huli ay meron na siyang naging desisyon para doon kaya naman mabilis niyang kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa bed side table ng kama niya. Meron kasi siyang sariling kwarto sa bahay ni Ryle kaya naman malaya siyang makakilos ng walang naaabala na ibang tao. Umupo muna siya sa kaniyang kama bago niya dinial ang number ng matandang lalaki. Hindi lang siya sigurado kung masasagot b

