CHAPTER 65 "As you can see sa project. Three-story house ang gustong ipagawa ni Gwen at ni Tyrone para sa dreame house nila, "wika ni Gaylord kay Breigh. Nakatuon naman ang atensyon ni Breigh sa hawak niyang folder at doon lang siya nakatingin kahit ang totoo ay nabasa niya na ang kabuuan ng project. Ginagawa niya lang yun para may dahilan siya na hindi batuhan nang tingin ang dalawang tao sa harapan niya. Madalas niya ring binabatuhan nang tingin ang cellphone niya para i-check kung nag-reply na ba si Lee sa text niya. Tinext niya kasi ang binata para sunduin siya sa restaurant upang may dahilan siya para umalis na doon sa meeting na yun pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na text. "Wala pang floor planning kaya naman ipapasa-bahala na lang namin yun sayo at sa t

