CHAPTER 85 Nagmadaling bumaba si Castiel sa TAXI na sinakyan niya pabalik ng Up Land Company. Halos mag a-alas otso na nang makabalik siya sa area dahil nga mag hapon siyang nasa construction site sa Cavite at Makati. Doon na rin kasi siya gumawa ng simpleng report lang na ibibigay niya kay Sammy. No'ng makapasok siya sa building ay doon niya napansin na halos wala ng ibang mga empleyado sa loob. Nakita niya lang yung guard na nasa may entrance at dalawang janitor na nag ma-mop sa hallway. Imbis na dumiretso siya palapit sa elevator ay huminto muna siya sa harap nung guard tsaka nag salita. "Manong, nandiyan pa po kaya si Ms. Walkerson sa loob? "Magalang na tanong niya. Halata na rin sa tono nang pananalita niya ang pagod na nararamdaman niya sa mag hapon pero hindi niya yun ininda

