38: NEW IDENTITY

2404 Words

Abala sa pagluluto ng sinigang na bangus si Zoey nang dumating si Dancel. Napalingon siya rito nang marinig ang yabag nito. “Oh, bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka dito? Sana man lang ay nadagdagan ko na ang sinaing ko,” sabi niya. Sakto lang para sa kanya ang sinasaing niya araw-araw. Bukod naman kasi ang niluluto ng caretaker ng mga ito sa kanya dahil nasa kabilang bahay rin naman ang mga ito. Tumawa naman ito. “Huwag ka na mag-abala. Kumain na ako bago ako nagpunta ditto.” Pinatay niya ang gas stove matapos masiguro na luto na ang kanyang niluluto. Sumandok siya ng kaunting sabaw at dinala iyon sa bibig ni Dancel. “Tikman mo ito,” aniya. Hinigop naman nito ang sabaw na inialok niya. “Hmmm… masarap. Magaling ka palang magluto.” Tumawa naman siya ng kaunti. “Tsk, bolero ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD