51: RUN AWAY

2323 Words

Abala si Gavin sa paglilinis ng kanyang kotse sa may garahe nang bigla na lamang lumapit sa kanya si Dancel at sinuntok siya sa mukha. Nakabukas ang kanyang gate kaya hindi na niya napansin na nakapasok na ito. Nagulat siya kaya hindi siya naging handa sa suntok na iyon. Agad siyang bumulagta sa sahig. Hindi pa siya nakakatayo ay dinaganan na siya nito at muling sinuntok sa mukha. Sa sobrang galit ay ginantihan naman niya ito ng malakas na sipa sa sikmura kaya tumalsik ito palayo sa kanya. Bumulagta rin ito sa sahig at agad rin niyang dinaganan at sinuntok sa mukha. Dumugo ang gilid ng labi nito. “Siraulo ka! Basta ka na lang pumapasok sa bahay ko at manununtok.” Binigyan niya ulit ito ng isa pang suntok sa mukha. “Where is Candice?” galit namang tanong nito sa kanya na ipinagtaka niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD