Madilim at sobrang tahimik na ang buong paligid. Pasado alas dose na ng gabi. Dahan-dahan siyang naglakad palabas ng kanyang kuwarto. Ingat na ingat siya upang hindi makagawa ng ingay. Hawak-hawak niya ang kanyang sapatos at nais na niyang umalis sa lugar na iyon. Matagal na siya sa poder ni Don Guillermo. Taon na nga ang binilang. Kung hindi siya nagkakamali, tatlong taon na ang mabilis na lumipas.Tatlong taong pahirap at pasakit ang dinanas niya rito. Walang nagbago sa kanyang sitwasyon sa loob ng tatlong taong iyon. Seventeen years old hanggang sa mag-bente anyos na siya, nakakulong lang siya sa loob ng kuwarto. Dinaig pa niya ang isang presong walang kalayaan. Ni hindi na niya alam ang itsura sa labas ng kuwartong iyon. Ni hindi na siya nasisinagan ng araw. Maputla na siya. Kung hin

