Candice Valdez Smith. Paulit-lit niyang binigkas ang pangalang iyan sa kanyang isip. Sa wakas ay alam na niya ang buong pangalan nito. Nakuha niya iyon nang balikan niya ang shooting range na pinuntahan nito kanina. Hiningi niya sa isang staff doon ang attendance log book ng mga iyon kung saan nakasulat ang mga pangalan ng mga pumapasok at umaalis sa lugar na iyon. Pabalik na siya sa kanyang bahay. Napagod rin siya pagsunod sa babaeng kamukha ni Zoey. Parang walang kapaguran ito at kung saan-saan napunta. Pagkatapos kumain sa restaurant ay agad din itong umalis kasama ang lalaki at nagpunta sa isang studio na hindi niya alam kung photo shoot studio o acting worshop studio. Naguguluhan siya sa mga nilalakad ni Candice. Bakit kailangan nitong magpunta sa kung saan-saang lugar sa loob lang

