Walang imik si Zoey habang naglalakbay sila pabalik ng mansion ni Don Guillermo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang sinabi ng doctor sa kanya. Paulit-ulit pa rin iyong tumatakbo sa kanyang isip at patuloy nan ire-reject ng kanyang utak. Ayaw niyang maniwala sa sinabi nito kahit pa nga nasa harap na niya ang ebidensiya. Hawak niya ang pregnancy kit at ang medical records niya. She was 6 weeks pregnant. Ibig bang sabihin niyon ay mahigit na anim na linggo na rin siyang nasa poder ni Don Guillermo? Hindi niya alam. Naguguluhan siya. Hindi na niya nabilang pa ang mga araw na iyon. Ni hindi na nga niya natandaan kung kailan siya huling niregla. Wala naman kasing laman ang utak niya kundi ang makawala sa poder ni Don Guillermo at muling makasama si Gavin. Sinulyapan niya si Do

