Chapter 4: Welcome To Parcean

2375 Words
Denver's POV "Sir Denver, ito na po yung pinapakuha niyong tubig." Tawag sa'kin ng isa naming kasambahay mula sa labas ng kwarto ko. "Papasok na po ba ako?" "Hindi 'yan nakalock." Tugon ko. Pagkasabi ko no'n ay bumukas ang pintuan ko at pumasok siya roon na may dalang isang basong tubig na nakapatong sa isang maliit na tray. Inilapag niya 'yon sa maliit na table na nasa may tabihan ko saka lumabas na. Inabot ko 'yon at ininom pagkatapos ay muling inilagay sa lamesa. Malalim na rin ang gabi pero hindi mawala sa isip ko yung mga nakita ko kanina. Naligo na ako't lahat para malamigan ang ulo ko at makapag-isip ng maayos pero mas lalo lang yata akong naguluhan. Hindi ko maipaliwanag kung ano yung kakaibang liwanag na nakita ko sa may bintana ng bahay nina Cassey. At kung sino yung misteryosong lalaking lumabas mula sa bintana nila. I sighed. "Kailangan kong malaman ang buong katotohanan. I need to ask her tomorrow." Kinabukasan ay maaga akong nagising at ginamit ang motorbike ko para makarating ng school. Nasa parking pa rin kasi ng school yung kotse ko dahil nga sa ginawa kong pagsunod kay Cassey kahapon. Napa-iling ako habang nagdadrive nang maalala ko ang kabaliwan kong 'yon. Nang maipark ko ng maayos ang motorbike ko sa tabi rin ng mismo no'ng kotse ko ay kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan ang family driver namin para kunin yung kotse ko at iuwi sa'min. Habang hinahanap ko si Cassey sa buong campus ay nagtitilian naman ang bawat madadaanan kong mga babae. Hindi ko sila inintindi dahil gusto kong makita ngayon si Cassey. Gusto kong masagot lahat ng mga tanong ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nangyari kahapon at alam kong hindi na naman ako makakatulog mamayang gabi kapag hindi nasagot ngayon ang mga tanong ko. I need to find her. I need to know answers. Nakarinig ako ng mga malalakas na tawanan nang mapadaan ako sa girl's restroom. "Cassey Elaine "b***h" Chavez." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pangalan niya. "Bagay sa'yo ang pangalan na 'yon. Hahaha!" Narinig kong may dalawa pang babae ang tumatawa sa loob kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na pasukin ang loob nito. Alam kong bawal 'tong ginagawa ko na basta na lang pumasok sa restroom ng mga babae pero mukhang binubully na naman ngayon si Cassey. Naabutan kong pinagtutulungan nina Claire at Keira yung vest ni Cassey habang vinivideohan naman ito ni Beatrice. Nang matanggal nila ito ng tuluyan ay pinagdiskitahan naman nila yung blouse ni Cassey. Dahil ayaw pumayag ni Cassey ay napunit yung uniform niya at nareveal ng konti yung kaliwa niyang balikat. Umiiyak lang si Cassey habang hinahayaan silang gawin 'yon sa kaniya. Bakit ba niya hinahayaang gawin 'yon sa kaniya? Hindi na ako nakatiis at basta na lang hinigit si Cassey palapit sa'kin. Halatang nagulat sila nang makita nila ako. Tinignan ko si Cassey na umiiyak pa rin at niyayakap ang sarili para takluban ang katawan niya. Agad kong hinubad ang coat ng uniform ko at saka 'yon ipinatong sa balikat niya. Tinignan niya ako ng may pagtataka pero patuloy pa rin siyang umiiyak. "D-Denver? What are you doing here?" Napatingin ako sa nagsalitang si Claire. Nakatingin siya ng masama kay Cassey. "At bakit mo isinuot sa b***h na 'yan yung coat mo?" "Itigil niyo na ang ginagawa niyo." Napatingin siya sa'kin sa gulat. "What!?" Tinignan ko siya ng seryoso. "Tigilan niyo na si Cassey. At ikaw..." Baling ko kay Beatrice. "...i-delete mo yung video." Tinignan ko ulit silang tatlo ng masama. "Ayokong lumalapit pa ulit kayo kay Cassey. Kapag sinubukan niyo ulit siyang saktan, ako na mismo ang makakalaban niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Napatango naman si Keira at Beatrice sa sobrang takot. Nanatili lang naman na iwas ang tingin sa'kin ni Claire at masama ang mukha niya dahil sa inis. Inakbayan ko si Cassey at hinigit na siya palabas doon. Maraming mga studyante ang nakatingin sa'min habang naglalakad kami. Yung iba ay nagbubulungan pa pero hindi ko na sila pinansin. "S-Sandali." Napatigil ako sa paglalakad nang magsalita siya. Paglingon ko sa kaniya ay nakatingin na siya sa'kin pero patuloy ang pagdaloy ng mga luha niya. "Why?" Tanong ko. "H-Hindi mo na dapat ginawa 'yon." Nakuyom ko ang dalawa kong palad sa sinabi niya. "What the f*ck are you saying!? Sinasaktan ka na nila! Tignan mo nga ang itsura mo!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw ko sa kaniya sa inis ko. "Sa tingin mo ba tutunganga na lang ako habang ginagawa nila 'yon sa'yo!? Bakit ba kasi hindi ka marunong lumaban!? Bakit hindi mo kayang ipagtanggol and sarili mo, Cassey!?" Yumuko siya at napansin ko ang pagkuyom din ng dalawa niyang kamay. "Hindi mo naiintindihan. Wala kang alam." Tumalikod na siya at akmang aalis na nang magsalita ulit ako. "Siguro nga wala akong alam sa'yo. Hindi kita gano'n kakilala at gano'n ka rin sa'kin. Pero sana naman matutunan mong lumaban para sa sarili mo." Hindi na siya umimik. Nanatili lang siyang nakatalikod sa'kin hanggang sa naglakad na siya palayo. Naghusto na lang ako sa pagtitig sa likod niya. I don't get her. And I don't get myself either. Bakit ba tinutulungan ko siya? Bakit ba nagagalit ako sa kaniya? At bakit ko ba siya sinundan kahapon? "Urgh!" Napasuntok ako sa pader na kalapit ko. "What's wrong with me!?" Bumalik na ako sa classroom ko at nadatnan ko ro'n sina Claire at yung dalawa niyang alipores. Kinompronta ako ni Claire tungkol sa ginawa kong pagtatanggol kay Cassey kanina pero hindi ko siya pinapansin. Masyadong lutang ang utak ko ngayon dahil sa inaasta ko kay Cassey. Hindi ko na rin naintindihan ang mga itinuturo ng mga teachers namin. Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng classroom. Nang matapos ang klase ay agad kong dinampot ang bag ko at lalabas na sana para hanapin si Cassey dahil hindi siya pumasok sa klase namin. Bigla naman akong hinarangan nina Claire. "Denver, can we talk?" "Pwede ba, Claire? We have nothing to talk about." Akmang lalabas na sana ulit ako pero hinawakan niya ang braso ko. "Claire, I don't have time for this!" May inis na sa tono ng pananalita ko. "You don't have time for me but you have time saving that b***h!?" Galit na sigaw niya sa'kin. Nag-init lalo ang ulo ko nang sabihin niya 'yon. "Will you shut the f*ck up, Claire!?" Nagulat ang lahat sa pagsigaw ko maging si Claire. "H'wag na 'wag mo siyang tatawaging b*tch! At lahat kayong nandito, kapag sinabihan niyo siya ng mga masasakit na salita at kapag sinaktan niyo pa ulit si Cassey, malalagot kayo sa'kin." Marahas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak ni Claire bago umalis na roon ng tuluyan. Hinanap ko sa buong campus si Cassey pero hindi ko siya makita. Biglang pumasok sa isipan ko ang rooftop kaya nagpasya akong pumunta. Baka sakaling nando'n siya. Pagdating ko roon ay hindi nga ako nagkamali dahil nandoon nga siya. Napangiti ako nang makita ko siyang nakaupo sa may dulo nitong rooftop habang nakatingin sa kawalan. Mukhang nakapagpalit na siya ng uniform niya. Lalapitan ko na sana siya pero napatigil ako nang ilabas niya ang isang kakaibang libro mula sa bag niya. Pinagmasdan ko siya habang hinahaplos niya yung mga ugat na nakabalot doon sa kakaibang librong hawak niya. "Please, take me back again to that unrealistic fantasy world." Rinig kong bulong niya habang nakatingin pa rin do'n sa libro. Napansin ko na parang umiiyak na siya kaya nilapitan ko siya para sana bigyan panyo pero nagulat ako sa sumunod na nangyari at halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Cassey's POV "Please, take me back again to that unrealistic fantasy world." Pagkasabi ko ng mga salitang 'yon ay noon lang bumuhos ang luha ko at tumulo mismo roon sa libro. Nagulat ako nang bigla na namang gumalaw yung mga ugat na nakapalibot sa libro. Bumukas ito mag-isa at katulad noong isang araw ay narinig ko na naman ang kakaibang tunog nito at ang nakakasilaw nitong liwanag. Mula roon sa libro ay lumabas na naman yung puting usok at naramdaman ko na lang ang unti-unti nitong pagbalot sa'kin at paghigit papasok sa libro. Pagmulat ng mga mata ko ay nasa isang hindi pamilyar na lugar ako. Iginala ko ang aking paningin sa buong lugar kung saan ako naroon. Nasa isang malawak akong hardin. At nang mapatingin ako sa harapan ko ay halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakikita. Isa itong... "Palasyo." Halos hangin na sambit ko. "CASSEY!" Napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko. Nagulat ako nang makitang nandito rin si Denver. Anong ginagawa niya rito!? Bakit nandito rin siya!? Nabigla ako nang bigla niya akong dambahan dahilan para mapahiga kami pareho sa damuhan. Ang sumunod na nangyari ay nakita ko na lang ang isang panang lumagpas mula sa pwesto namin. Na kung nakatayo pa rin ako hanggang ngayon ay malamang na natamaan na ko no'ng pana. "Ayos ka lang ba?" Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "P-Paanong—" "Sino kayong dalawa at ano ang ginagawa niyo rito sa palasyo?" Sabay kaming napatingala sa nagsalita. Ipinaglipat-lipat niya ang yung panang hawak niya sa'ming dalawa habang nakatingin sa'min ng seryoso. Napaiwas naman ako ng tingin nang sa'kin na siya tumingin na may mga seryoso pa ring mga tingin. Tumagal 'yon ng ilang minuto kaya naman lalo akong nailang. "Ginoong Hebrews, sino ho 'yang mga 'yan?" Napalingon kaming tatlo sa nagsalita. Kung titignan, mukha siyang isang kawal base sa itsura ng suot niya. "Isa ba 'yang mga—" Nilingon akong muli no'ng Hebrews. "Ako na ang bahala sa kanila. Bumalik ka na sa pwesto mo." Utos niya roon sa kawal. Bahagya itong yumuko. "Masusunod po, Ginoong Hebrews." Sinulyapan muna ulit kami no'ng kawal bago naglakad paalis. Napatingin kami ni Denver doon sa Hebrews kung tawagin no'ng kawal nang ibaba nito ang kaniyang pana at nakangiting inabot sa'kin ang kamay niya. "Tulungan na kita sa pagtayo mo, Binibini." Aniya. Nagulat naman ako nang tumayo si Denver at saka kinuha ang kamay ko para tulungan akong makatayo. Nakangiti pa ring ibinaba no'ng Hebrews yung kamay niya. "Paumanhin sa ginawa ko. Kinailangan ko lang talagang gawin 'yon para mailigtas ko kayo." Nakangiti niyang sabi. Nagkatinginan kami ni Denver bago siya muling tinignan. "Pwede bang magtanong?" "Nagtatanong ka na, tao." Maagap na tugon naman nito. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Denver. "Nasaan ba kami? Paano kami nakapunta rito?" Biglang sumeryoso ulit ang mukha niya. "Ayon nga rin sana ang itatanong ko sa inyo. Mga tao kayo, tama ba ako?" Tumango kami pareho ni Denver. "Kung gano'n, paano kayo nakarating dito sa mundo namin?" "Dahil sa libro." Tugon ko. "Yung hawak mo kanina?" Tanong sa'kin ni Denver. "Yung lumang libro." Napatingin ako kay Hebrews nang sabihin niya 'yon. "Paano napapunta sa'yo 'yon?" Alam niya yung tungkol sa libro? "Nakita ko lang siya aksidente sa lib— ibig kong sabihin sa silid aklatan ng paaralan namin." Muli kong sagot sa kaniya. Bigla kong naisip ang mga sinabi sa'kin ni Phae. Siya yung nagturo sa'kin kung paano makakabalik sa mundo ng mga tao. "P-Pakawalan mo ako!" Sigaw ko habang pinipilit kong kumawala mula sa malaking net na inilagay niya sa'kin. Inikutan niya ako habang nakapatong pa rin sa balikat niya yung espada niya. "Kanina ko pa kayo pinapanood ni Decker mag-usap sa taas ng puno." Tumigil siya sa harapan ko. "Sabihin mo, hindi mo ba talaga alam kung pa'no umuwi?" Umiling ako. "H-Hindi ko talaga alam. Please, tulungan mo ako. Hindi ako masamang tao." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "H'wag kang gagalaw." Napapikit na lang ako nang tanggalin niya yung net gamit yung espada niya. "Pasalamat ka mabait ako. Saka hindi ka naman mukhang espiya ng mga Parician." "Parician? Sinabi rin sa'kin 'yan no'ng tinatawag mong Decker. Ano ba ang mga 'yon?" I asked out of curiosity. Tinignan niya ako ng mataman. "And why are you asking?" Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Nagulat ako nang bigla siyang tumawa. "Nagulat ka, 'no? Hindi mo siguro inakala na marunong akong mag-english. Natutunan ko 'yon sa inyong mga tao." Ngumiti siya. "Tungkol naman sa tanong mo, sila yung mga narinig mo kaninang mga boses. Sila ang mga matatapat na tagapagsilbi ng—" Napatigil siya bigla ng pagsasalita. "Mas mabuti na palang wala kang alam tutal naman hindi mo na rin naman maaalala ang lahat ng 'to pagbalik mo sa mundo niyo." "Talaga bang hindi ko maaalala?" May lungkot na tanong ko. Tumango siya. "Isang paraan 'yon para protektahan ang mundo namin at ang mundo niyong mga tao." Paliwanag niya. "Mas makakabuti para sa dalawang mundo na manatili itong tago sa isa't-isa. Lalo na sa inyong mga tao. Hindi niyo pwedeng malaman ang tungkol sa mundo namin dahil paniguradong magkakaroon ng malaking pagbabago." Malaking pagbabago? Ngumiti siya sa'kin at iniabot ang isa niyang kamay sa'kin. "Ako nga pala si Paciphae Miranda. But you can call me Phae." "Ako naman si Cassey." Nakipagkamay ako sa kaniya. "Cassey Elaine Chavez." "Cassey, welcome to Parcean! The world of fantasy." Parcean. World of fantasy? Napangiti ako sa isiping 'yon. Pero agad din yung nawala nang makarinig kami ng yabag ng mga kabayo. Hinarap ako ni Phae. "Kailangan mo nang bumalik sa mundo niyo. Baka maabutan ka pa rito ng mga Parician." Natataranta siya habang palingon-lingon sa paligid. "Ipikit mo ang mga mata mo tapos isipin mo kung nasaan kang lugar bago ka makapunta rito. Dalian mo!" Agad kong sinunod ang sinabi niya. At ang narinig ko na lang ay parang pumitik lang siya sa daliri niya tapos nagising na lang akong nasa library na ulit ako. "Kailangan niyo nang umalis ngayon din. Delikado kung magtatagal pa kayo rito." Nagbalik ako sa reyalidad nang magsalita si Hebrews. "Sasamahan ko kayo sa kagubatan. May kilala akong makakatulong sa inyo na makabalik sa mundo niyo." "Teka, nasa'n ba talaga kami? Saka ano bang mga nilalang kayo?" Biglang tanong ni Denver. Hanggang ngayon ay clueless pa rin siya nangyayari. At clueless din ako kung paanong nandito rin siya. "Isa akong Parician. At nandito kayo ngayon sa mundo namin. Sa Parcean." Nanlalaki ang mga matang napabaling muli sa kaniya ang atensyon ko. Tama ba ako ng narinig? Isa siyang Parician?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD