Cassey's POV "Ate Cassey, para po sa inyo." Iniabot sa'kin ng isang bata ang isang bulaklak. Nabigla naman ako sa ginawa niya at sa pagtawag niya sa'kin sa pangalan ko. "Para sa'kin?" Kinuha ko ito mula sa kaniya. "Opo, malungkot ka raw po kasi kaya ayan daw po para ngumiti kayo." Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Nagtataka ko naman siyang tinignan. "Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?" Lumapit siya sa'kin at bumulong kaya naman bumaba ako para magkatapat kami. "May nagpabigay lang po niyang bulaklak sa'kin." Mahinang sambit niya. "Ang sabi po niya ibigay ko raw po sa inyo, Cassey raw po ang pangalan niyo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sino namang nagpapabigay nitong bulaklak?" Tanong ko. "H'wag ko raw po sabihin sa inyo. Sana raw po ngumiti na raw po kayo kasi mas

