Ako si Cassey.
Sabi nila, isa raw akong salot. Isang pabigat sa lipunan.
Walang kwentang nilalang.
Buong buhay ko, nabuhay ako sa pagmamalupit ng mundo sa'kin.
Minsan naitatanong ko na lang kung bakit pa nga ba ako nabubuhay? Ano pa bang purpose ko sa mundong 'to? Hindi ba nga isa akong pabigat? Isang salot, walang kwenta. Kaya bakit pa? Para saan pa? Bakit kailangan kong maranasan ang lahat ng 'to?
Siguro napakasama kong tao no'ng past life ko kaya ito ang parusa ko ngayon.
Sawa na ako. Sawang-sawa na ako sa buhay ko. Gusto ko na lang maglaho na parang bula para matapos na ang lahat ng paghihirap ko.
Pero nagbago ang lahat nang aksidente akong makapasok sa isang mundo.
Sa isang mundong sa panaginip ko lang noon nakikita.
Sa isang kakaibang mundo kung saan ibang-iba sa totoong mundong ginagalawan ko.
Ang mundo ng mga kakaibang nilalang. Ang mundo na tanging tumanggap sa'kin. Ang mundong nagparamdam sa'kin na may kwenta ako at hindi ako isang salot o pabigat.
Ang mundong nababalot ng misteryo at mahika. Ang...
Parcean.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All Rights Reserved.