Agad akong napalingon sa kung sino man ang bumunggo sa akin. Isa siyang matangkad na lalaki, mga 6'0 na ang height niya. Blonde ang buhok niya tapos bughaw rin ang kulay ng mga mata niya, g'wapo siya! Napababa ang tingin ko sa t-shirt niya na natapunan pala ng iced coffee na dala-dala niya. Agad akong kinabahan nang makita ang white t-shirt niyang may mantsa. "Hala! I mean, sorry po, hindi ko po sinasadya," nahihiyang saad ko at mabilis na kinuha ang panyo ko na nasa bag ko at dali-dali itong inilapit sa damit niya pero agad siyang umatras. "No, don't touch me with your filthy hand, Miss," malamig na tugon niya, may tigas ang boses niya. Agad niyang itinaas ang white t-shirt niya na ikinagulat ko kaya dali-dali akong tumalikod mula sa kan'ya. Wala, wala akong nakita. "Here, wash this.

