Precious Nyx POV. Dalawang linggo na ang lumipas magmula ang Intrams at ang pangyayari sa Italy at masasabi ko na naging ayos naman ang nagdaang linggo. Habang ako eh ganon parin sa University at Apartment ang deretsyo. Wala naman kasing bago bukod sa buhay ko na umingay dahil kay Jendaya. Yes ako ang nagligtas sa kanya noon. May mga alam ako na di alam ni Jendaya at gusto ko na itago nalang muna sa ngayon. Malalaman nya rin pero di pa ito ang tamang panahon. "Nyx!!! Ang tagal mo naman! Sabi ko na dapat doon nalang ako natulog eh!" Oh diba sabi ko sayo umagang umaga yan ang bungad saakin sa School. Ang maingay na jendaya tch pasalamat sya mahal ko sya. "Lower down your voice Jendaya umagang umaga" napa peace sign nalang sya saakin na ikinairap ko naman at nagsimula ng magl

