Chapter Thirty-Four

3179 Words

Third Person POV. "Magmula ng iwan sya ni Matt noon grabe ang pinagdaanan ni Nyx. Hirap syang magtiwala sa iba dahil sa ginawa nito sa kanya" sabi pa ni Benidic sa SSG. "Paano? Bakit hindi nyo sinabi saamin na magkakilala kayo?" Naguguluhan na tanong ni Zach "Hindi din namin alam na magkakilala pala kayo at lalo na pinsan sya ni Zymon. Ah oo tama naalala ko na may binanggit saakin si Matt na pinsan nya pero hindi nya sinabi ang pangalan" sabi pa ni Benidic. Napakuyom naman ng kamao si Zymon. Hindi nya alam kung anong mararamdaman nya. Maawa ba sya sa babaeng Mahal nya na ngayon ay iyak ng iyak , magagalit ba sya kasi iniwan ni Matt si Nyx , magseselos ba sya dahil nagmamahalan ang dalawa. Natatakot sya na dahil lang dito ay kalimutan na sya ni Nyx. "Mahal pa ba sya ni Precious?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD