Chapter Thirty-Nine

3853 Words

Precious Nyx POV. Paglabas ko sa torture room ay ngiting tagumpay ako nakaganti din sa plastic na yun. Kahit pa na dahil sa rules yun at least napahirapan ko sya. Kala nya siguro madadala nya ako sa mga pagbabanta nya tsk. "Nyx!" Napatingin ako sa gilid ng andito si Paulo at Zach anong ginagawa ng dalawang to dito? "Anong ginagawa nyo dito? Kanina pa kayo jan?" Seryoso kong tanong sa kanila tapos nagkatinginan naman sila at muling tumingin saakin at nanglaki ang mata. Napakunot ang noo ko dahil doon. "May dugo ka Nyx!" Doon lang ako natauhan na nakalimutan ko nga pala yung sugat ko sa leeg yung Athena na yun tch. Napahawak ako sa leeg ko. "Ah eto ba? Wala to nakamot ko lang kaya nagdugo" gusto kong hampasin ang sarili ko dahil sa palusot ko tsk bahala na yun ang nasabi ko eh.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD