_MISTY_
Ewan ko ba kung bakit iba yung nararamdaman ko nang makita na may babaeng nakayakap sa boss ko. Wala naman akong gustong kay Sir Ashton marahil ay nabigla lamang ako. Kung maglalandian kasi sila ay bakit kailangan sa kompanya pa may iba pa namang lugar. Tsaka paano kung iba ang nakakita?
Inaamin ko naman yung babae. Bagay sila. Parehas na galing sa mayamang pamilya. Ay bakit ba ganito ang mga sumasagi sa isipan ko. Ano namang pake ko. Isa lang naman akong sekretarya na minsan na pinakikitaan ng weird na kilos ng boss ko. Nakakat*nga naman kung sasabihin ko na baka may gusto ito sa akin.
" About sa nakita mo kanina." Sabi sa akin ni sir Ashton ng makabalik ako sa opisina nito. Bakit niya kailangan magpaliwanag sa akin? Isa lang naman akong sekretarya. Sekretarya niya at wala rin naman akong pake.
" Hindi niyo po kailangan magpaliwanag. Normal lang naman iyon sa maggirfriend at boyfriend." Sabi ko na lamang.
" She's not my girlfriend." Pagtatanggi nito.
" Wala po akong pakialam sa relasyon niyong dalawa." Magtatrabaho na lamang ako. Muli kong ibinaling ang sarili sa pagtatrabaho ngunit ramdam ko na nakatingin ito sa akin. Pinagmamasdan ako. Kaya ang weird talaga.
Hiniling hiling ko na sana bumilis ang oras para mahiwalay na ako dito. Mas gusto ko pa na kasama si Duke at Mary. Ang kakwentuhan sila kaysa si Sir Ashton dahil talagang natatakot ako dito. Pinipilit ko lamang maging matapang. At kahit gusto ko na mag resign ay hindi naman pupwede eh.
Dahil out na ay binilisan ko ang pagliligpit ng aking gamit. Ayaw ko itong makasabay. Akala ko nga ay ligtas na ako pero hindi pa pala.
" Ihahatid na kita." Medyo nagulat pa ko dahil bigla na lang itong nagsalita.
" May kasabay na po ako umuwi. Hindi na po kailangan." Magalang kong sagot.
" I just want you to be safe."
So anong pinapalabas niya. Na hindi ako ligtas sa mga kaibigan ko? Masyado naman siyang nakikialam sa buhay ko. To the point na masyado na siyang epal. Hindi ko siya maintindihan bakit ang laki ng pake niya.
" Kaibigan ko po sila. Kaya alam kong ligtas ako sa mga kaibigan ko." Muli kong sabi. Hindi ito nakaimik. Lumabas na ako ng opisina nito. At iniwan ito doon. Ayaw ko nang makipag-usap pa. Mahirap na makipagtalo.
Mabilis kong nakita si Duke at Mary.
" Kamusta?" tanong sa akin ni Mary. May ngiti sa labi.
" Ayos lang naman."
" Wala masyadong pinagawa sayo?" Pagtatanong pa ni Duke.
" Huh? wala naman." Sagot ko na lang.
" Mabuti naman kung ganoon." Ngiti nitong sabi.
" Alam mo naman Misty masyado itong ano sayo. Halatang gustong gusto ka eh." Natatawang sabi ni Mary.
Napangiti na lamang ako. Wala naman akong nakikitang masama doon. Saka nahahalata ko naman. At hindi rin naman mahirap magustuhan si Duke dahil napakabait nito.
_ Ashton _
Bakit sa akin ay hindi niya magawang ngumiti ng ganoon? Maging masaya! Naiinggit ako. Bakit ba kasi hindi niya ko maalala. At mukhang wala na siyang balak na ako'y alalahanin pa.
Nang umuwi naman ako ay si Dad agad ang sumalubong sa akin. Mukhang nagsumbong dito si Nikita or nabanggit ang nangyari. Ewan ko ba kung bakit gustong gusto niya ang babaeng yon para sa akin. Well I'm not.
" Bakit hindi mo itinatrato ng maayos si Nikita?" Tanong pa nito sa akin.
" Dad I don't like her as simple as that." At nilagpasan ako nito.
" You dont like her? Dahil hindi ka gumagawa ng paraan magustuhan mo siya!" Sigaw nito sa akin.
" Dahil alam niyo naman kung sino ang gusto ko. At hindi na magbabago yon." Muli kong sabi.
" and wala na ring magbabago hindi ka na niya maaalala!"
" Stop it! Bakit ba lagi na lang kayong nag-aaway dalawa!" Awat nito sa amin.
Maya maya ay dumating si Mom.
" Hindi ako ang nagsimula. Alam niyo naman na ayaw kong pinakikialaman ako." Sabi ko na lang.
" Kuya. " Hindi ko pinansin ang kambal kong kapatid na bumati sa akin at umakyat na.
Nakakairita! Imbes na tulungan nila ako ay nakakadagdag lang sila. Bakit hindi na lang nila ako suportahan?
Ilang oras ako na namalagi sa aking kwarto bago naisipan na bumaba at dahil dinner na rin. Sanay ang pamilya na sabay sabay nagdidinner at ayaw ko naman galitin si mom dahil ito lang naman ang kakampi ko.
" Kuya, kamusta kayo ni ate Nikita?" Tanong ni Ashley.
" Stop mentioning that girl's name." Masungit kong sabi.
" Kuya nagtatanong lang naman." Sabi pa ni Ashtine.
" Then stop asking!" Pasigaw ko ng sabi.
Akmang lalapitan na si dad sa akin upang suntukin ako pero humarang si Mom.
" Stop! Tigilan niyo na ang pag-aaway away kahit para sakin lang." Sigaw nito.
" I'm sorry mom. " Saka ako umalis doon.
Parang hindi ko kaya na manatili sa bahay. Kailangan ko munang makalanghap ng hangin.
Baka masabihan ko pa ng kung ano ano ang pamilya ko.
Hindi ko naman sila gustong pagsalitaan ng masama. Ang hindi ko lang matanggap ay hindi nila magawang suportahan sa gusto ko. Palagi na lang silang kumokontra. Dati ay todo suporta sila sa akin pero ngayon iba na sila pa ang nagsasabi sa akin na sumuko na at tanggapin na lang ang katotohanan na hindi talaga kami ni Misty ang para sa isat isa.