Nang araw na iyon ay dinalaw niya ang ina. Bukas ng hapon pa siya uuwi sa tinutuluyang apartment at dito muna siya tutuloy para masamahan at maka-bonding naman ang ina.
"Ma, nandito na po ang pinakamaganda mong unica hija," masayang salubong niya sa ina. Malawak ang pagkakangiti nito.
"I missed you, anak," anito bago sila mahigpit na nagyakap.
"Parang na ngangayayat ka ata," puna nito. Mataman siyang tiningnan nito nang magbitiw sila.
"Na miss ko na po kasi ang luto mo," paglalambing niya.
"Sus, bolera ka talaga, anak. Manang-mana ka sa ama mo," nakangiting sabi nito.
"Miss ko na po yung Cassava cake mo, ma, huh? Yung promise mo," paniniguro niya.
"Syempre naman anak. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo. Malamang ay napagod ka sa biyahe," pag aaya nito. Nauna na itong tumungo sa kusina. Mukhang mapapadalas na ang pagbisita niya sa ina dahil miss na niya ang masasarap na putaheng niluluto nito. Nang makarating sa dining area ay naupo na siya sa katapat na silya ng ina. Umuusok pa ang mga pagkaing inihanda nito. Isa sa mga paborito niyang luto nito ay ang chicken curry.
"Worth it talaga ang pag uwi ko," nakangiting sabi niya bago kinuha at serving spoon at nag sandok ng kanin sa plato.
"Malungkot ang mag isa rito, Lily. Dadalawa na nga lang tayo ay magkalayo pa tayo," malungkot na sabi nito bago nag umpisa na ring mag sandok ng kanin sa plato nito.
"Ma, h'wag ka nang malungkot. Pakikiusapan ko si Rick na ilipat na ako sa branch ng Forever Cafe na malapit dito, para hindi ko na kailangan pang lumayo sa iyo," aniya sa pinasiglang tinig. Maging siya ay nalulungkot na magkalayo sila nito ngunit ayaw niyang ipakita iyon sa ina. Mula nang malayo siya dito ay mas naging independent siya.
"Wala kana bang planong magtapos pa ng college? Bata kapa naman anak," pag iiba nito ng usapan.
"Hindi ko pa po alam, ma. Masaya naman po ako sa trabaho ko. Pero pag iisipan ko pa rin po," aniya sabay subo.
"Matagal din tayong hindi nakakapag usap ng personal. Kapag may problema ka ay wag kang mahihiyang mag sabi sa akin," seryosong sabi nito.
"Syempre naman, ma,"nakangiting niyang sabi.
"Maiba ako. Nagbalik na pala si Hugo. Lalo yatang gumwapo ang batang iyon," tila balewala lang dito ang banggitin ang binata. Muntik na siyang masamid nang marinig ang pangalan nito.
"Sa tingin ko ay gusto ka pa rin niya," bumaling na ito ng tingin sa kanya dahil sa pananahimik niya.
"Mukhang malabo 'yun, ma. Gusto niya lang akong asarin at sirain ang araw ko," nakabusangot niyang sabi. Pati ang mama niya ay naiintriga sa kanila ng bakulaw na iyon.
"Eh, ganun din naman kami ng ama mo dati. Para kaming aso' t pusa," tila nang aasar pa ang kanyang ina na sabi nito.
"Ma, kayo po yun. Hindi po kami ganun," walang ganang sabi niya. Mukhang boto pa rin ang mama niya sa binata. Natahimik na ang mama niya pagkatapos niyon. Mukhang nakaramdam na ayaw na niyang pag usapan pa nila ang tungkol sa binata. Nang matapos silang kumain ay nagtuloy sila sa veranda. Gusto niya ang view doon. Tinabihan din siya ng ina.
"Baka gusto mong bisitahin natin si Tricia mamaya," untag ng kanyang ina. Nakaramdam naman siya ng excitement. Doon sa katabing bahay na nga pala muling nanirahan ang kaibigan niyang si Tricia at asawa nitong si Zac.
"Sige po, ma," nakangiting sabi niya dito. Maya-maya'y tumunog ang doorbell. Siya na ang nagpresintang magbukas. Tumungo na siya sa gate at bumungad ang bulto ng kagabi lamang ay kasama niyang si Hugo. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito nang mamasdan ang mukha niya. Nag aalangan tuloy siya kung pagbubuksan ito. Tila naman naiinip na ito na pagbuksan niya. Bumuntong hininga muna siya bago ito pinagbuksan.
"Anong ginagawa mo rito?" nakataas ang kilay niyang tanong.
"Well, I'm just visiting the mansion---"
"Ayun yung mansyon niyo. Naliligaw ka yata?" putol niya sa sasabihin nito.
"Woah! Take it easy, my love," awat nito at bahagya pang na itaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Hijo, nandyan kana pala," singit ng ina niya na nakalapit na pala sa kinaroroonan nila.
"Hi, Tita Belle. I just came here to visit you," magalang na sabi nito na nakatingin sa kanyang ina.
"Halika, tumuloy ka," nakangiting sabi naman ng ina niya.
"Thanks!" masayang sabi naman nito. Kumindat muna ito sa kanya bago lumakad papasok. Siya naman ay napapadyak sa sobrang inis. Asar! Ang sipsip kay mama ng bakulaw! Paniguradong sinundan lang siya ng bakulaw para sirain ang araw niya. Nakasimangot na nagtungo na siya sa loob. Nasa sala na ang mga ito ngunit hindi na siya nag abalang makisalamuha sa mga ito. Tinungo niya ang hagdan ngunit natigilan dahil tinawag siya ng ina.
"Anak, pumarito kana muna para naman makapag usap kayong dalawa," anang kanyang ina.
"Naku, ma ikaw ang binibisita ng bakulaw na 'yan at hindi ako. Ayaw ko rin siyang makausap," matabang niyang sabi. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito at nagtuloy na siya sa kuwarto. Nahiga sa malambot na kama. Nilibot niya ang paningin sa bawat sulok ng kanyang kuwarto. Malinis at wala pa ring ipinagbago. Malamang ay madalas na inaayos at nililinis ng mama niya iyon. Pumikit siya ngunit wala namang balak na matulog ngunit agad ding napadilat nang bumungad sa balintawtaw niya ang nakangiting mukha ni Hugo. Ano ba naman kahit nakapikit ako umi-epal ka pa rin! naiinis niyang sabi sa isip. Narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali naman niya iyong kinuha. Si Matt ang tumatawag. Umupo siya sa gilid ng kama at sinagot ang tawag nito.
"Hello, Matt. Napatawag ka?"
"Itatanong ko lang sana kung na'san ka ngayon? Nandito kasi ako harap ng apartment mo at sa tingin ko ay wala ka," nahihiyang sabi nito sa kabilang linya.
"Nandito ako ngayon sa dati naming bahay. Dinalaw ko si mama," paliwanag niya.
"Alright, kailan ang balik mo?"
"Bukas din," matipid niyang sagot.
"Okay, susunduin na lang kita dyan," anito sa masayang tinig.
"Sige, ikaw ang bahala," aniya. Minsan na ring bumisita si Matt sa kanila. Ito ang naghatid sa kaniya noong matapos ang JS Prom nila noong nag aaral pa sila sa high school.
"Lily!" tila hindi makapaniwala ang kanyang kaibigan nang makita siya nito. Sinalubong siya nito ng yakap at nag beso sila. Binisita na niya ang kaibigan dahil na boring siya sa loob ng bahay nila. Hindi na niya inaya pa ang ina dahil busy sa pakikipag-usap sa binata.
"Kumusta kana ngayon?" tanong niya matapos silang magbitiw nito.
"Ito palaging masaya," malawak ang pagkakangiting sabi nito. Obvious naman na masaya ito. Ang blooming ng aura ng kanyang kaibigan. Ganun siguro talaga kapag kontento na sa buhay. May minamahal at nagmamahal din.
"Nakakapanibago lang ang itsura mo ngayon huh? Parang may iba," aniya bago ito sinuri. Natawa naman ang kaibigan niya.
"Ano kaba? Ako pa rin ito noh," natatawang sabi nito bago hinampas ng mahina ang balikat niya.
"Ganyan ba talaga kapag nakatuluyan mo na ang taong mahal mo?" hindi makapaniwala niyang sabi.
"Oo, parang gano'n na nga,"nakangiting pagsang-ayon naman nito.
"Kainggit naman talaga," aniya at pabirong kinurot ito sa braso.
"H'wag ka ngang mainggit bumalik na naman 'yung my labs mo eh," panunukso nito. Binigyan niya ng matinding irap ang kaibigan. Natawa lang ito sa reaksyon niya.
"Mukhang na miss niya lang mang buwesit," nakalabing sabi niya.
"The food is ready," bungad ng nakangiting si Zac. Animo'y Macho este--Master chef ang dating dahil nakasuot pa ito ng apron. Lumapit ito sa kinaroroonan nila ni Tricia. Niyakap nito ang kaibigan niya patalikod at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. Larawan ang mga ito ng masayang pamilya. Anak na lang ang kulang.
"Anak na lang ang kulang," wala sa loob na sabi niya. Napangiti naman si Zac sa sinabi niya.
"Actually, we're going to have one," masiglang sabi nito. Marahang hinimas ang impis pang tiyan ng kaibigan niya.
"Oh my gulay! Ibig mong sabihin ay..b-buntis na si Tricia?" nanlalaki ang mga matang sabi niya. Hindi siya makapaniwala. Hindi naman na iyon imposible dahil mag asawa naman ang nga ito at nagmamahalan pa.
"Oo. Kaya lang ay secret pa dapat iyon. Bakit mo sinabi?" himig nagtatampong sabi nito sa asawa.
"I'm sorry, Sweetheart. Malalaman din naman nila," paglalambing nito. Gigil na kinurot nito sa braso ang asawa na ikinangiwi naman nito.
"Ikaw ang ninang nito, Lily," baling naman ni Tricia sa kanya.
"Of course naman,"masayang sabi niya. Matapos iyon ay nagsalo-salo na silang tatlo sa dining area. Siya pa ang naging saksi kung gaano ka-maasikaso ni Zac sa kanyang kaibigan. Sinusubuan pa nito ang kaibigan niya. Kayo na ang in love!
"Kailan ba ang kasal niyo ni Hugo?" singit ng kaibigan niya nang mapansing nakamasid lang siya sa ka-sweetan ng mga ito.
"Hindi na kami ikakasal nun. Baka masakal ko siya. Isa pa, matagal nang tapos sa amin ang lahat," nakalabing sabi niya. Bruha pa rin talaga itong kaibigan niya. Balak pa rin siyang ibuyo sa lalaking sinaktan siya ng sobra.
"I think my cousin still like you," singit naman ni Zac. Nagkatinginan pa ito at ang kaibigan niya bago sabay na ngumiti nang tingnan siya. Tila nagkakasundo na asarin siya.
"Cousin mo ang bakulaw na iyon?!" hindi makapaniwalang bulalas niya. Pinanlakihan niya ng mata si Zac. Tumango naman ito.
"Yeah, he's Luke's younger brother," pagkukumpirma pa nito. Hindi naman siya makapaniwala sa nalaman. Kaya pala malaki ang resemblance ng mukha nito kay Luke nang makita niya ang huli sa Beach resort nang minsang mag-celebrate ng kaarawan ang ina ni Zac.
"Ngayon mo lang ba nalaman?" tanong ng kaibigan niya.
"Ngayon niyo lang naman sinabi," sarcastic niyang sabi. Tumawa naman ang kaibigan niya.
"Actually ay huli ko nang nalaman iyon. Nakalimutan ko na ring sabihin sayo kasi pareho tayong busy," paliwanag naman ng kaibigan niya.
"Okay, lang gano'n pa rin naman siya. Bakulaw pa rin," inis na sabi niya. Nagtawanan naman ang dalawa sa reaksyon niya.
"Okay kailangan ko nang bumalik at baka iniwan na nung bakulaw si mama," paalam niya. Minabuti niyang magtagal kina Tricia at nahiling na umalis na ang binata sa bahay nila kapag bumalik na siya. Ito na ang umpisa ng pag iwas niya dito. Hindi na niya hahayaan pang muling masaktan na naman nang dahil dito.
Nang makapasok sa sala ay wala na roon ang dalawa. Marahil ay umalis na ang bisita nito.
"Anak, nandyan kana pala," anang kanyang ina. Nasa tuktok ito ng hagdan habang nakatingin sa kanya.
"Binisita ko lang po si Tricia," aniya.
"May ipinabibigay pala sa iyo si Hugo," anang kanyang ina. Bumaba ito at may inabot na isang kahon ng imported na chocolate.
"Nag abala pa siya eh, hindi naman ako mahilig sa chocolate," nakasimangot niyang sabi bago napipilitang inabot ang hawak nito.
"Sus, tumigil ka nga dyan, Lily. Puro chocolate cake nga ang lagi mong nirerequest kapag birthday mo noon," panunukso ng ina.
"Feeling ko ma, magkaka-allergy na yata ako sa chocolate basta galing dun sa bakulaw," nakangiwing sabi niya.
"I'm sure kinikilig ka. Ayaw mo lang ipakita," panunukso ng ina niya at tinusok-tusok ang tagiliran niya. Nakikiliti siya kaya pilit niyang hinuhuli ang daliri nito. May pagka-echosera talaga ang mama niya minsan.
Muling napuno ng mga tili niya at tawa ng ina ang kanilang sala.